Entry 1
Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ngayon. Siguro kasi wala akong friends. Corny ang buhay ko e. School-Bahay-School-Bahay. Oo Hindi ako religious. Kanina galing ako sa school. Wala naman. Normal ang buhay ko. Pumasok, nakinig, break, quiz, nakinig, uwi. Kung sana kasi close kami ng crush ko. Kaso hindi.
Entry 2
Maglinis naman daw ako sabi ni mama. Tamad ko daw. Sino namang hindi tatamarin? Ang daming ginagawa sa school tapos ang dami pa iuutos. Like hello mama? Akala ko baa yaw mo ako bumagsak! Tapos ayaw maniwala na assignment talaga ginagawa ko ngayon. Porke’t nakaharap sa computer facebook agad? Hindi pwedeng nag-go-google muna ako ng assignment? GOOGLE! ANG PARTNER NG LAHAT NG ESTUDYANTE!
Entry 3
May quiz kami kaya nag-aral ako kanina tapos yung lokong katabi ko kumopya saakin pero mas mataas pa siya. Isusumbong ko sana kaso matatawag lang akong epal. LIFE. Sana mag-aral naman siya next time. Hindi porket pinakopya ko ngayon papakopyahin ko siya ulit. Nagkatitigan kami ng crush ko kanina sa corridor. Sayang nasa ibang section siya. Sana next school year kaklase ko na siya. Saklap naman kasi 3rd year na ako pero never ko pa siya naging kaklase. LIFE!
Entry 4
Nasunog ko yung cookies na ginagawa namin kanina sa TLE. Pinagtawanan tuloy ako. Alam ba nilang group grade yun? Nakakalokang mga kagrupo! Kung kayo sana nag-bake! Edi masaya! Utos kasi sila ng utos akala mo naman magaling ako. Hindi dahil mataas ang quizzes magaling na din sa pagluluto at bake. Isip mga dre.
Entry 5
PE namin kanina. Nakasama namin yung section ng crush ko. Section namin versus yung section nila. Hindi ako makapagcheer kasi nahihiya naman ako. Saka pagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Tahimik kasi akong tao tapos wala pa akong friends. LONER ako. Nerd pa kung tawagin nila. Hindi ko nalang din pinapansin kapag binubwisit nila ako. Parang kanina lang nililink ako sa kaklase namin. Hindi naman gwapo. DUH. Maganda naman ako! Wala lang talagang friends.
Entry 6
Hey diary! Matagal na akong hindi nakapagsulat! Busy kasi ako lately. Paano ba? May friend na ako. Sa ibang section nga lang siya kaklase niya yung crush ko! Actually, pareho namin siyang crush. Hindi ko alam kung paano kami naging close. Basta nag-usap lang kami last month dahil pareho kaming bored sa practice. Ang dami kasing echos nitong school. May high school day pang nalalaman.
Entry 7
OMG! Hinga! PINAKILALA KASI NIYA AKO SA CRUSH KO KANINA! Yung ngiti niya talaga nakakatunaw! Sayang may girlfriend! Hindi bale! MAGHIHIWALAY DIN SILA! Joke! Sana maging happy sila. Pero ouch talaga yun. Makakapit naman kasi yung GF niya kanina akala mo aagawin ko yung boyfriend niya! Kung pwede lang talaga ginawa ko na! Kaso mabait pa ako sa lagay na ito kaya magpe-pray nalang ako na maghiwalay sila este na maging masaya sila.
Entry 8
YEY! PASADO AKO! WOOOOO! BAKASYON NA! Nga pala! Ang tagal ko ng hindi nakakapagsulat ulit. Kawawa naman itong diary ko. Ni hindi ko nakalahati! Anyway, lagi ko kasing nakakasama yung friend ko pati na din si crush. Mabait si crush, sobra. Yung girlfriend lang talaga yung epal sa aming pagmamahalan. Este sa aking pagmamahal. OO NA! In love na yata ako. Pero sana huwag. Sabi nila masakit daw yung first heartbreak e! Ngayon pa nga lang masakit na! JUSKO! HINDI KO KAKAYANIN, LORD!
Entry 9
Nagswimming kami. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa kay crush. Nagbreak kasi sila ng GF niya kanina lang. Medyo ayaw ko naman tanungin kung anong problema nila. Sabihan pa akong pakialamera at echusera. Basta nagswim nalang kami ng friend ko.
Entry 10
Ugh! Umiyak si crush saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko! Pwede pa kung babae ang umiiyak sa harapan ko pero kung lalaki na ibang usapan na. Nasasaktan akong mahal na mahal niya yung ex niya. May iba daw ang ex niya. Actually naiyak din ako kaninang umiiyak siya kaya natawa siya. Bakit daw ako umiiyak e hindi naman daw ako yung nakipagbreak. Para daw tuloy kaming nag-away na magsyota kanina. Sana nga kami nalang.
BINABASA MO ANG
LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)
RomancePaano nga ba mababago ang buhay mo ng isang diary? Ating pagchismisan ang paglalakbay ng diary!