131-140

29.9K 716 148
                                    

Entry 131

Hi diary! Nakaapak ako ng TAE sa daan. Payo ko sa sarili ko, huwag iiwas sa isang tao dahil hindi ko mapapansin ang dinaraanan ko.

Entry 132

Hindi ko alam kung anong trip ko kanina pero pinanuod ko yung dalawang asong nagtatalik sa kalsada. Kung pwede ko lang sila bigyan ng bahay nilang dalawa. Hay! Sarap nila paghiwalayin 0,0 HAHA. Hay.

Entry 133

Wala ako sa mood ngayon. Kay L pa ako nagvent ng galit kanina. Bad ba ako? Wala namang alam yung tao sa nagaganap saakin. Maski ikaw diary hindi mo na din alam. Hindi ka na kasi mapagkakatiwalaan. Kung kani-kaninong tao ka kasi napapadpad.

Entry 134

I was with L the whole morning pero parang hindi raw niya ako katabi. Am I rude? Am I self-centered? I like L a lot but I think I still love Seth. I THINK! Ugh! Feeling ko ang sama sama ko. Feeling ko ang paasa kong tao.

Entry 135

“May minion ka na?”

“Meron na”

“Eh ako?”

“Hah?”

“Wala ka pang AKO”

Binatukan ko nga siya. Pero sa totoo lang hindi ko kasi talaga alam ang isasagot ko.

Entry 136

Ilang araw na akong hindi kinakausap ni L. Medyo kinakabahan ako. Dati kasi nagpapaalam pa yan saakin sa kung saan siya pupunta or kung ano man ang gagawin niya. Medyo di ako sanay na hindi siya papansin saakin kaya naman kinabahan ako ng sobra kanina nung nagtext siya tapos heto pa ang sinabi niya: Do you love him?

Medyo fail pa dahil nabasa ko nang madaling araw. Wala akong load. :’(

Entry 137

Tinatawagan ko si L pero unattended na ang phone. Sinubukan ko din siya imessage sa facebook pero walang effect. Galit yata saakin. Oh good diary! Where is your sumpa now? O heto ba ang bago mong sumpa saakin? Yung kung kailan alam ko na sagot bigla naman sila mawawala saakin! GRR!

Entry 138

Effort ko pang pumunta sa school nila L tapos malalaman kong hindi na pala siya doon nag-aaral at hindi alam ng iba kung nasaan siya. ANG SAYA SOBRA! ANG SAYA SAYA KO LENARD!

Entry 139

Hey diary! Move on move on din ako pag may time noh? Dalawang buwan na kasi pero hindi pa din siya nagpaparamdam. Ang saya promise.

Entry 140

10 pages ka nalang diary pang 11 na itong sinusulatan ko! Akalain mo yun! Nga pala MAY na! Nakakaligtaan ko na magsulat sayo diary! Ayos naman ako! Happy ako sa boyfriend ko, I think. Mabait naman, medyo matalino at hindi naman kagwapuhan. Malapit na nga pala birthday ko. Anong regalo naman kaya matatanggap ko?

P.S. Never ko na binasa yung ibang entries. Medyo bitter.

P.P.S stressed ako sa cases ko

P.P.P.S HINDI NA AKO MAGANDA! OH NO! JOKE! Never naman ako naging maganda :)

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon