Entry 21
Binasa ko ang bawat nakasaulat sa diary ko. Pansin ko na pakonti nang pakonti ang sinusulat ko. Parang hand writing ko lang, sa unang page lang maganda. Parang sa relasyon, sa una lang kayo laging magkasama tapos magkakasawaan na kayo at pagkatapos magbibreak na kayo. Walang forever! DUH!
Ps. Ayan may design ka na. Ang dami mo ng drawing diary.
Entry 22
Diary alam mo ba? Natural hindi pa. Kasi ganito ‘yun. Silang lahat nagliligawan na. Ako raw naiwan pa sa past. Sabi ng kaibigan ko kanina press for closure daw. What, what?
Entry 23
Walang pasok ngayon at imbes na mag-aral ako para sa exam namin ay nagmarathon lang ako ng hunter x hunter 2011. Grabe ‘yung feels ko kay killua. Ang astig niyang kuya! Sana may ganitong lalaki. ‘Yung mapagmahal sa kapatid para naman hindi niya kayang manakit ng babae.
Entry 24
Ang bitter ko raw sabi ni Aya. Anong magagawa ko? Hindi naging kami ni L pero nasasaktan ako. Wala akong karapatan at alam ko ‘yun. Hindi naman siya naging saakin. Medyo umasa lang naman kasi ako.
Entry 25
Nagulat ako kanina. Diary anong gagawin ko? Nanlalambot talaga ang tuhod ko tuwing nakikita ko si L. Sana hindi ko na siya makita ulit. Well, part of me gusto siyang makita at maka-usap. Closure kahit hindi naman naging kami. Kay.
Entry 26
Nagbabasa ako ng mga status ng mga tao sa newsfeed ko. Yung iba feel na feel nila na madaming naglalike sa status nila. Post nang post, e.
Entry 27
Diary. Nagkausap kami. Nagkausap kami!!! Hell. Matutulog muna ako.
Entry 28
Sinabi ko kay Aya ang pag-uusap namin ni L. Si L nagselos at nasakto pa raw kasi noong aalis sila ng bansa. Napangunahan daw siya ng selos at hindi na ako tinanong pa. Tapos nagalit siya saakin at hindi ko man lang daw nalaman. Sobrang na-guilty siya.
Ang sabi ko naman sakanya: Dapat lang na ma-guilty siya. Iniyakan ko siya nang hindi niya nalalaman. Ipinakita niya saakin na may iba na siya gayong nasasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya.Pero ang sabi naman niya: Tinignan niya kung ano ang magiging reaction ko. Kung maapektuhan ba ako o mas aapektuhan ako kay Seth. Kay.
Entry 29
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko. Funneh. Hindi ko siya nireplyan. Bahala siya. Mag-aaral muna ako.
Ps. Huling text niya saakin ay niyayaya niya akong magkita ulit kami. Nireplyan ko naman ng okay. Tanga ako, e.
Entry 30
Kanina ay nagkita kami. Pero masisisi niyo ba ako kung epic ang pagkikita namin? Medyo funneh dahil late na nga ako tapos nadapa pa ako sa harapan niya nung palapit na ako. MALAS! Sira ang beauty ko!
****
naisipan ko lang wahahahahahahahaha!!! Oh Gem! XD
BINABASA MO ANG
LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)
RomancePaano nga ba mababago ang buhay mo ng isang diary? Ating pagchismisan ang paglalakbay ng diary!