21-30 (new owner)

42.7K 978 233
                                    

Entry 21

Hi Jem! Haha paano ba? Nakausap ko si Ms. Loner kanina! Hindi ko alam na siya ang nagtatanong sakin. Sayang hindi ko natanong ang pangalan! Sira-ulo kasi yung barkada ko. Sapakin ko na kaya tong lokong ‘to?

Entry 22

HAHAHAHAHA! Wala lang. Ginagaya lang kita kapag bored. May maisulat lang.

Entry 23

Hindi talaga ako nagsasawang basahin mga sinulat mo, maliban sa mga torpeng nag-iiwan ng note sayo. Ayaw ko talagang binabasa yung mga note nila hahaha.

Entry 24

Hoy Jem! May napansin ako. Maganda yung kasama ni Ms. Loner. Ngayon ko lang siya nakita at ang cute niya lang ngumiti. Sana kaklase ko nalang sila haha.

Entry 25

Akalain mong tapos na yung sem? Enrollment namin kanina at hindi ko na kaklase yung mga bugok kong barkada! Ayos!

Entry 26

Jem Jem Jem! Kaklase ko yung kaibigan ni Ms. Loner. Ang cute talaga niya kaya lang parang mas tahimik pa ‘to kaysa kay Ms. Loner. Tinabihan ko nga pala siya! Haha

Entry 27

Jace Marie ang pangalan nung katabi ko. Hindi pala siya tahimik. Ang kulit niya. Sakit tuloy ng panga ko sa kakangiti.

Entry 28

Injured ako. Hindi tuloy ako nakapasok. Hoy Jem! Tingin mo magustuhan kaya ako nung Jace? Mas gusto ko siya kaysa dun sa Agatha.

Entry 29

Bakit nga pala hindi ka maingat sa diary mo? Tanda ko na kung paano ko nakuha ang diary mo. Naiwan sa desk sa isang classroom nun. NIlagay yata ng barkada ko sa bag ko.

Entry 30

Dahil curious ako sayo, nagtanong-tanong ako kung kilala ka ba ng mga barkada ko. Sabi nila engot daw ako. Bakit daw hindi kita kilala? Ikaw lang naman daw yung laging kasama nung sinasabi nilang babae na maganda. Kung maganda yun, bakit hindi ko siya kilala? Siya yata yung tinutukoy mong friend dito. Magandang kasama si Jace! Wala lang sinasa bi ko lang.

***

LOL! chismosaaaaaaaa

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon