Entry 61
BADTRIP AKO! Diary! Kailan ba ako nagsulat ng ganito? Ngayon lang yata? Nakakabadtrip kasi! Ikaw kaya ang i-pair sa mukhang ungas na kaklase! Porket Kinausap ko, TYPE KO NA AGAD? Kay crush ako kay crush!
Entry 62
Kawawa naman si Mr. Abs napagbintangan nung babae kanina. If I know! Papansin lang si girl! Feeling maganda e hindi naman talaga!
Entry 63
May napansin ako. Hindi yata nagpapansinan ang magkaibigang sina Crush at Mr. Abs? Oh no! dahil saakin kaya? Syempre ambisyosa mode naman ako. Haha
Entry 64
Luh! AKO NGA YATA ANG DAHILAN! Diary! Anong gagawin ko? Joke lang naman yung sinulat ko e! May kapangyarihan ka bang magkatotoo ang lahat hah, Diary?
Entry 65
Sabi ni friend medyo intense daw ang pangyayari. Naabutan daw niyang nag-uusap ang magkaibigan kanina sa rooftop! Oo! Medyo feeling anime kasi yung school namin kaya pwede kami sa rooftop. Kidding aside. Gusto na din ako ni crush? Kung kailan hindi kami masyado nag-uusap? Fishy
Entry 66
Halos sunod-sunod na araw akong nagsusulat sa diary na ito. Bakit puro lovelife ko ang sinusulat ko? Anyway, nagpunta nga pala kami sa bahay ng pinsan ko. Ang cute ng baby niya! O ayan maiba naman.
Entry 67
Ako ay binigyan ng curfew dahil lang sa nahuli akong may kausap na lalaki sa phone. Kasalanan lahat ito ni Seth! Kapal kasi ng mukhang sabihing manliligaw ko siya. Wala na! Bukod sa may curfew nakaltasan din ako ng allowance!
Entry 68
Sorry ng sorry si Seth saakin kanina with matching chocolates pa siya. Hindi ako nadadaan sa chocolates! Pero masarap a! Hihingi pa ako sa susunod .At totoong nanliligaw pala siya. Anong gagawin ko?
Entry 69
Si Aya at ang boyfriend niya ay break na. aww. Parang ayaw ko tuloy magkaboyfriend. Iyak kasi siya ng iyak si Aya e. Natakot naman daw ako. Nambabae kasi ang kanyang ex.
Entry 70
Promise! Ayaw ko na talagang magkaboyfriend! Kanina lang may naabutan nanaman akong nag-aaway sa room! Promise talaga! Sinusumpa ko ang relasyon. Nakakatakot naman kasi.
BINABASA MO ANG
LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)
RomancePaano nga ba mababago ang buhay mo ng isang diary? Ating pagchismisan ang paglalakbay ng diary!