41-50 (new owner)

38.9K 872 146
                                    

Entry 41

Kung ibabalik ko ‘tong diary mo pwede ko kayang ipa-photocopy? HAHA. Nga pala nakita ko yung lalaki mo este si Seth. Mas pogi naman ako dun.

Entry 42

Anong tingin mo sa lalaking umiinom? Uminom ako kasama ng mga barkada ko. Hindi ako naglasing dahil alam kong malalasing mga kasama ko. Sino nalang mang-uuwi sakanila? Napakadakila ko talagang kaibigan.

Entry 43

Hoy Jem. Malas ba akong tao o sadyang malas lang ako? Kapareho ko ng org yung Seth mo. Nakita yata ‘tong diary mo. Bakit daw ako may pink na notebook? Hahaha. Ayaw ko namang sabihin na nabasa ko yung mga sinulat niya para sayo. Nakakatawa talaga hitsura ng loko kanina. Girlfriend ba niya kasama niya? Hindi naman maganda. Sexy lang.

Entry 44

OHA! PASADO AKO MEN!

Entry 45

Wala e. Crush talaga kita e. haha

Entry 46

Kapatid ko ang may kasalanan pero pati ako nadamay. Bata ba ako? Haha. Nakakatawa lang kasi kapag nagagalit si mama. Pati ako nadadamay. Walang talab e. Sanay e! haha

Entry 47

Payabangan ng cellphone. Ayan wasak cellphone ko. Inagaw ko nalang cellphone ng kapatid ko. Hindi naman niya ginagamit. Napakadakila ko talagang kapatid.

Entry 48

Sana walang pasok! Para makapunta ako sa school niyo. Magpapaka-admirer lang J

Entry 49

Nagtext ulit ako sayo. Sabi ko birthday ko. Ang sagot mo: SO? Hahahaha! Sungit mo talaga. Kahit HBD lang sana. Pero ayos lang bumawi ka naman sa bati mo na: Kung sino ka man, happy birthday. Hwag mo na akong i-text. Hahaha. Sungit talaga.

Entry 50

Bukas pupunta ako sa school niyo. Wala kasing pasok. Ibabalik ko lang itong diary mo. Goodnight Ms. Sungit. Hwag ka matakot saakin. Mabait naman ako. Hindi bale. Magpapakilala din ako sa tamang panahon. Nag-enjoy nga pala ako sa diary mo Jessie Gem Garcia.  

-L nga pala. Hindi L ng death note a. Hindi din yung Korean na kinababaliwan ng kapatid ko. Ano nga kasing group yun? Infinite daw sabi. Basta L haha.

******

A/N: siya daw si L! hahaha L ng infinite? kasing gwapo ba ni L? *________* sabi na fangirl din kapatid nitong L na to e! hahahaa magkakasundo kami!

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon