LOST DIARY 2

25.4K 637 55
                                    

Entry 1

Hi diary! Yo! Long time no write! Kumusta ka naman? Natural papel ka pa rin! Ako? Heto feelingerang maganda pa rin. Pero syempre dahil bagong diary kita, naks! Gagandahan ko na yung sulat ko. Bagong notebook e! sayang naman! Saka pansin ko yun kapag nagsusulat ako sa bagong notebook! Maganda yung mga sulat ko sa unang page. Pero kapag nagtagal, kinahig na ng manok! Hahahahaha

Entry 2

Duh! Ano ngayon kong BH ako! Hindi na ko BH! Naghahanap ako ng bago kong lalandiin! Aba! May sumpa kaya yung huli kong diary! Ikaw may sumpa ka ba?

P.S. Napagalitan ako ni mama kasi ang kalat dawn g kwarto ko. Dinaig ko pa raw yung kulungan nung aso namin. May aso na kasi ako ngayon. Cute siya! Binili ko siya noong BH ako. Meaning, last month!

Entry 3

May nabasa akong story sa wattpad. Rated-R kekeke.

Entry 4

Kanina may sinabi saakin yung kaklase ko. About sa crush niya. Ako nga wala ng crush e! Naghahanap palang. Tse tse!

Entry 5

Paano raw kung ipinagpalit yung girlfriend sa mas magandang babae? Hindi ba’t ang laking sampal n’on sa girlfriend na siguro ay ex na? Syempre pinagpalit na nga e.

Bakit ang mga lalaki pinagpapalit ang mga babae? Bakit bakit? Oo malalim pinaghuhugutan ko! Sapakin ko yung L na iyon e. OO NA BITTER PA RIN AKO! Never na ko nakarinig ng balita mula sakanya noong nagpalit ako ng number e.

Entry 6

Ugh inaantok na ako. Isang buong araw na akong hindi natutulog. Nakakaiyak kasi yung mga pinag-aaralan namin.

Entry 7

Yey! Nagshoot kami ng music video para sa project namin! Like OMG! Ako yung cameraman! Hahahhaa nakakatuwa yung main leads namin! Kasi naman e! May spark! Nakikita ko pa yung kuryenteng nagbabanggaan dahil sa sobrang spark! Ayeeee! Lalablayp na yung kagroup ko! Ako wa pa rin!

Entry 8

Alam ko na bagong sumpa ko! Siguro ang sumpa ng diary na ito ay walang mang lalandi saakin na lalaki!!!! AAAAHHHH KALOKA! ANO ITUUUU? FOREVER ALONE ANG PEG KO? Meghed.

Entry 9

Kumain ako sa mamahaling restaurang! Feeling mayaman lang, nilibre kami ng kaklase ko. Birthday niya e! hihi. Nabusog ako! Ako lang naman ang hindi nagdadiet sa mga kasama ko.

Entry 10

Nakita ko si L. Nanghina ang tuhod ko. Kay!

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon