Entry 11
Hoy Jem! Maganda ka ba? Curious talaga ako sayo. Mahal mo ba yung tinatawag mong Mr. abs? Ayos ka din e. Nga pala hindi pala maganda ugali nung Agatha haha. Tingin ko mabait ka.
Entry 12
Katulad mo bumabagsak din naman ako. Sa gwapo kong ‘to sinong hindi maguguluhan kapag may tumatawag sayong babae habang nag-eexam? Badtrip.
Entry 13
Ayos palang kausapin ka ditto, Jem. Malay mo bang kinakausap kita. Turn-off nga pala yung isa kong kaklase. Jejemon ang putek. Ikaw? Jeje ka ba? Takte kasi ang konti ng sinasabi ang haba ng nakatype.
Entry 14
May gusto ako sa ibang block. Maganda kaya lang ang loner. Ang hirap yata lapitan? Ilang araw ko na siyang pinapanuod pero kung tutuusin parang ang simple lang niya.
Entry 15
Naiwan niya yung panyo niya kahapon. Ibabalik ko sana kaya lang nawala bigla. May lahing flash yata at invisible? Haha. Dala-dala ko pa din naman panyo niya kanina kaya lang di ko siya nakita. Sayang hindi ko na talaga ‘to mababalik kaya itatago ko nalang. Tinamaan yata ako. Badtrip ang bading hahaha
Entry 16
Pinag-iinitan ako nung prof ko, paano ba yan? Mukhang may i-susummer ako.
Entry 17
Nakita ko siya ulit kanina. May kasama siyang lalaki. Boyfriend yata niya? Hindi naman kagwapuhan. Mas pa din ako.
Entry 18
Hoy Jem! Nakita ko yung babae ulit kanina! Sa library. Kahit papaano pumupunta naman ako ng library para matulog. At least bumibisita, hindi ba? Iniwan ko yung panyo sa table niya dahil tulog naman siya.
Entry 19
May mga kasama na siyang babae ngayon. Hindi na siya loner. Ang cute niya kapag nakangiti. Nakikita ko lang siya sa corridor kapag nagka-cut ako.
Entry 20
Hoy Jem! Wala lang. Absent ako ngayon. Nakakatamad pumasok. Tuwang-tuwa talaga ako kapag nagho-hoy sayo. Lalo na kapag kakatapos ko basahin ang diary mo. Binabawi ko na palang maganda ka tingin ko kasi cute ka. Parang si Ms. Loner.
*****
Ginagawa ko to kanina habang nasa sasakyan. Ganun nalang kasi hindi talaga ko nakakapag update dahil busy >3< Sa mga reader ng PMW by sunday siguro? or not may wall-to-wall yata kami ng sat at late ako nakakauwi >__< Heto lang talaga kaya kong i-update
BINABASA MO ANG
LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)
RomancePaano nga ba mababago ang buhay mo ng isang diary? Ating pagchismisan ang paglalakbay ng diary!