31-40

51.5K 1.1K 212
                                    

A/N: AGAIN! hindi ko ito diary. pwede ber! XD natutuwa lang ako gumawa ng random chenes.

Entry 31

Tumigil si crush sa panliligaw kay karibal kaya hetong si mr. Abs kung makapanukso saakin WAGAS! Kesyo pwede na daw kami ni crush ko! Edi ayun inasar ko din siya na kung pwede na kami ni crush ko edi kawawa naman siya.

Entry 32

Bakit kaya estudyante ang naglilinis sa classroom? Ano pala ang mga janitor dito kung kami din pala maglilinis? Reklamador ako! Ang mahal kasi ng tuition tapos ganito pa. Nagrereklamo ako kasi ako yung isa sa cleaners ngayon kasama ko si crush. Bukas sila friend naman at Mr. Abs.

Makiki-Sulat ako. Entry 1? Haha Peace tayo Jem.

Hi. Mang-aasar lang. Nabasa ko nanaman diary mo! Kahit crush mo pa best friend ko, crush pa din kita! Nakanang! GANDANG ‘DI MO INAKALA! Joke lang. Hwag mo masyado i-crush yun. Babangasan ko yun pag napaiyak ka niya.

-Seth

Entry 33

Epal nanaman si Mr. Abs A.K.A Seth! Sige! Pangalanan mo pa sarili mo! Epal talaga. Magsulat ba dito! Wala ng secret identity! Burahin ko nalang later.

Entry 34

Dahil Saturday bukas, hindi ko inexpect na tatawagan ako ni crush ngayong gabi. Kausap ko nga siya habang nagsusulat ako ngayon. Kung anu-ano lang pinag-uusapan namin. Hindi ko alam, nakangiti lang ako habang nag-uusap kami. Nakakangawit pala ngumiti. Hihi. Malandi!

Entry 35

Nag-mall kami ng friend ko. Nag-away sila ng jowabells niya kaya ako ang niyaya niya. Umiiyak nga ‘to kanina. Magsleep din pala siya dito kaya nagkachikahan na din kami. Nakwento ko sakanya ang tungkol kay Mr. Abs. Ang lola naman ay kilig na kilig. Pero nakwento ko din yung mga naging usapan namin ni crush. Ayun kilig nanaman siya. Ingatan ko daw buhok ko natatapakan na daw niya.

Entry 36

Nagsimba kaming tatlo nila crush at mr. Abs. Si friend nakipagkita sa boyfriend. Makikipagbati yata.

Entry 37

Awkward…

Entry 38

Humiwalay muna ako dun sa dalawa. Kay friend muna ako sumama kahit nagmumukha akong chaperon.

Entry 39

Tinanong ako ni crush kung umiiwas daw ba ako sakanya. Hindi naman sa umiiwas. Ikaw kaya sabihan ng: gusto na yata kita? Tapos nandun pa si Seth. Hindi ko kinaya yung pangyayari!

Entry 40

Ngayon ko lang nalaman na sabay ang birthday nila Mr. Abs at crush. Sa makalawa pa naman yun. Si Mr. Abs may handaan yata sakanila. Sabay daw sana sila ni Crush kaso hindi siya pinayagan ng parents niya. mukhang mayaman siya. Tapos si Crush naman swimming naman yung sakanya. Torn ako! Pareho nila akong niyaya. What to do? :/

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon