51-60

47.3K 991 124
                                    

Entry 51

E wala akong maisulat kasi ang boring lang naman. Okay bye. Haha

Entry 52

Absent si Mr. Abs. First time! Kaso walang nangungulit saakin. Akalain mo yun! Nakakamiss pala presensya niya.

Entry 53

Absent pa din siya. May sakit yata? Kasama ko lang tuloy sa lunch ay si Crush. Tinuturuan nga pala niya ako ng math kanina sa library. Nakaka inlab yung talino niya sa math. Tapos kinakabahan ako kasi laging kami lang dalawa ang magkasama ngayong araw. Yung tipong sasabog yung dibdib kapag dalawa lang kami?

Entry 54

E Sunday na! Ilang araw na akong hindi kinukulit ni Mr. Abs. Anyway, Namasyal kami ni Aya sa SM kanina. Naglaro kami doon sa quantum tapos kung sino-sino lumalapit saamin dahil kay friend. Ganda kasi e! May nanlibre nga pala saamin kanina pero hindi namin kilala haha.

Entry 55

Sabi ni Seth nawala daw ang cellphone niya. Hindi naman daw siya nakakapag internet at saka nilagnat daw siya. Kawawa naman pala siya. Anyway, ako na nagturo sakanya nung mga nakaraang lesson. Naawa ako e.

Entry 56

Naiwan ko ‘tong diary ko kahapon! BUTI NALANG NANDUN LANG SA ROOM! GRABE TALAGA! SOBRANG KINABAHAN AKO! Pero may note na iniwan. Walang pangalan. Nasa likuran ng diary ko ang mga katagang I LOVE YOU. Hala! Sino naman yan?

Entry 57

Hindi naman awkward si Crush? Hindi din naman si Mr. Abs? So sino kaya nag-iwan ng note?

Entry 58

Napagalitan ako ng teacher kanina. Ang ingay ko daw. Kdot. Minsan na nga lang dumaldal sa klase nahuli pa.

Entry 59

Nakatayo ako sa isang subject! Grabe! PORKET DI KO NASAGOT YUNG TANONG! KUNG SIYA KAYA MAKARAMDAM NG HILO AT PAGSUSUKA? Sa clinic tuloy ako nung next subject.

Entry 60

LONG WEEEEEEEEEKEEEEEND! Bakasyon muna kami nila mama! Text text nalang kami nung iba! Maiwan ka diary! Mystery pa din kung sino ang nag-iwan ng note kasi tinanong ko yung dalawa kung may iniwan ba silang note saakin kaso wala naman daw sila iniwan. ­­­­

***

sa mga nagbabasa nito, mga chismosa! nakikibasa ng diary ng may diary! XDDD wawang Jem kinalat na ang diary!

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon