Entry 81
Walang bago. Madalas kami lang ni friend ang magkasama ngayon. Hindi pa din nag-uusap sina crush at mr. abs.
Entry 82
E kasi nga malapit na ang undas kaya ayan nagtatakutan sila. Nakakatawang isipin na may mga lalaki palang natatakot sa mumu! Hahaha! Cute lang ni Seth at Rain e! hahahahaha
Entry 83
Nagbasa ako ng sadist lover kanina! Nasa book 2 na niya ako. Taena naman! Kilig na ko sa una tapos iyak naman ako sa dulo. Why Lance? Ayaw ko na talaga magboyfriend.
Entry 84
Bwahahahha! Namumugto daw mata ko. Iniyakan ko yung bagsak kong exam kanina e! Kasalanan ko bang bumagsak kahit nag-aral naman ako?
Entry 85
May halo yatang shrimp yung pagkain kanina. Grabe! Nahirapan ako huminga!
Entry 86
Yung gustong manligaw kay Aya nangungulit nanaman! Si Seth naman akala yata ako yung nililigawan nung si nagpapalakad! Haha! Maka-akbay naman kasi si Seth! Napaghahalataan naman na gustong-gusto niya ako! Ang haba ng hair ko! Ang dami kayang nagkakagusto kay Mr. Abs ng dahil sa abs niya! hahaha!
Entry 87
Sutil si crush! Kainis! Ayaw idelete yung kinuha niyang picture sa cellphone niya! Luh naman! Naglalaway kasi ako kanina habang natutulog sa room! Ang sutil kasi e! iiyak na ako! Ang pangit ko doon! Nakakahiya. Nakawallpaper pa yata sakanya! Kapag nakita talaga yun ng iba naming kaklase mapapatay ko siya!
Entry 88
Luh si Ex ni Aya ako naman ang tinitext! Osige! Kasalanan niya tapos gusto pa yata ako pa yung kumausap kay friend para magbati sila. Hell no! Sinaktan niya friendship ko! Bahala siya gumawa ng paraan.
Entry 89
Wala talaga akong sense of humor. Hindi man lang natawa si Mr. Abs sa joke ko. Nilait pa ako! Binabaan ko nga ng phone! Ayan sorry siya ng sorry sa text! Hahahaha
Entry 90
Pumunta kami ng mall ni crush! Hihihi. Medyo kinilig ako kasi siya ang nagdala ng bag ko! Tapos nahawakan ko pa kamay niya! Shet ang landi landi ko! May binili kasi kami kanina! Gift ni Aya! Magbibirthday kasi siya! Si Seth kasi bigla nalang nawala kanina! Siya dapat yayayain ko e! Pero ayos lang kinilig naman kasi ako kay crush. Landi Landi!
***
Oha! Reader ko siya! *O*
Chismosa chismosa! talandi pa! XD

BINABASA MO ANG
LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)
RomancePaano nga ba mababago ang buhay mo ng isang diary? Ating pagchismisan ang paglalakbay ng diary!