1-10 (new owner)

43.4K 888 173
                                    

Entry 1

Nabasa ko yung kalahati ng diary na ito. Itutuloy ko ba o hindi? Puro naman kalandian niya sinusulat niya.

Entry 2

Mr. Abs? Crush? Friend? Tama bang pangalanan? Nasaan ang pagiging confidential nito?

Entry 3

Nabasa ko yung dulo. Naawa ako sa babae.

Entry 4

Gagayahin ko siya. Magsusulat nalang din ako. Boring. Ang bakla lang talaga nito. haha

Entry 5

Hoy Jem. Makikita kaya kita? Ano kayang hitsura mo? Maganda ka ba? Bakit ka pinag-aagawan nung dalawa? Tingin ko isa ka lang din namang normal na babae. Nagbreak nga pala kami nung girlfriend ko. Hindi ko alam kung bakit. Sawa na daw siya e. Okay.

Entry 6

Hoy Jem! May nakita akong babae, si Agatha. Ang plain niya pero interesting siya.

Entry 7

Nabasa nga pala ng kapatid ko ang diary mo! Hahaha! Buti nalang yung sayo yung pambungad. Baka akalain niya bading ako.

Entry 8

Paano nga ba napunta saakin ang diary mo?

Entry 9

Kaklase ko si Agatha sa apat na subject. Katabi ko siya ng tatlong oras.

Entry 10

Bading ba kapag nagsusulat ng dairy? Hoy Jem! Sumagot ka! Ang dami na kasing drawing ng diary mo. Buti ang kapal nito? Ginawa ko nga pala tong note sa philosophy kanina. Wala pa akong notebook e. Buti nalang di ko katabi yung chix kanina. Baka isipin pa niya bading ako. Kulay pink kasi tong notebook mo.

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon