98-110

38.5K 1.5K 353
                                    

dahil may sikat akong reader. yes! KILIG *O* sakanya ko i-dededic ang chappieeee! *O* kilig kilig ako hihihi

***

Entry 98

Nagkita kami ni Seth kanina. Binalik niya saakin ang diary ko. Awkward kaming dalawa pero surprisingly wala na akong naramdaman kanina. Weird man dahil wala naman kaming naging relasyon, masasabi kong nakamove on na ako. Wala e. Masakit kasi yung nangyari noon. Kung kailan nakapagdesisyon na akong sagutin siya saka naman siya nanligaw ng iba. Para naman kasi akong naging tanga. Ang bilis niyang sumuko.

Entry 99

Yes, nakakatext ko si L. Nakakatawa lang dahil ang dami na palang nakapagsulat sa diary ko. Pakiramdam ko alam na ng lahat ang kwento ng buhay ko. Like hello? Ano ako public figure? Artista ang peg? Ang ganda ko a!

Entry 100

Lagi pa din akong tinatawagan ni Seth. Sige sabihin na nating malandi… JOKE! Syempre friend ko pa din yan nuh! Nasaktan lang talaga ako noon. Pero wala e. Wala ng feelings. Siguro dahil hindi din kami masyadong nagkikita noon kaya nawala nalang bigla ang nararamdaman ko. O baka naman kasi attracted lang talaga ako sa abs niya? chocolate kasi. Yummy ba? Haha

Entry 101

Binasa ko yung diary ko. Hala? Anong nangyare? May shipper kami ni L? Teka bakit ko ba siya tinatawag na L? YUCK a! LITO kaya pangalan niya! haha baho e! Joke lang naman. Lance Mariano daw hihi. Nagbabasa kasi ako ng book 3! Medyo busy kasi sa college. Oha kumacollege! May bagsak naman ako haha.

P.S. Tinatawanan ako nung babae sa kabilang table. Nasa MCDO kasi ako. Natatawa kasi ako dun sa LITO. Hahaha. Saakin nalang yung pangalan niya. Burara pa naman ako baka kung sino nanaman makapulot ng diary ko -____- <---Lance Mariano <3___<3

Entry 102

Tumambay ulit ako sa MCDO. Nanghingi ako ng tubig. Aba! Yung lokong waiter! Sa kabila binigay yung tubig ko. Niloloko ba niya ako? Narinig ko pang nagtanong siya sa kabilang table kung siya yung humihingi ng water at ang lokong nasa kabilang table walang pakundangang sinabing ‘HINDI PERO PWEDE NA DIN’ wow kuyang waiter. AKO! AKO ANG MAY-ARI NG TUBIG!

Entry 103

Ngayon ko lang narealize na heartthrob pala ako :”””>

Haba ng buhok ko! HOY! MGA ALIPIN PAKIBITBIT NGA! Baka matapakan niyo. Nakarejoice yan! With conditioner na creamsilk! Hihi.

Entry 104

Naglalakad ako papuntang school nang biglang dumaan yung walanghiyang truck ng basura. Naiyak ako sa sobrang baho! Hindi ako nakaready! Hindi ko napigilan ang paghinga ko. huhu. Ang baho promise! Try niyo kaya masinghot lahat ng baho na galing sa truck! Yuck! Pero natatawa ako. Ang baho kasi talaga.

Entry 105

Pinuntahan ako ni L kanina. Nahihiya ako kahit pangalawang beses na naming pagkikita. Ugh. Nakakahiya kasi. Lakas manlibre! Gusto ko nga kanina yung malaking teddy bear kaso nahiya na ko. Yung maliit nalang. Hahaha joke lang. Pero hindi talaga joke yun kasi gusto ko talaga yung malaking teddy bear! Cute kasi e! >.<

P.S. Date daw yun sabi niya. Luh landi ko nanaman. May magic yata ang diary na ito. Lagi akong may kalandian tuwing napapasakamay ko ito. :”””>

Entry 106

Reunion ng barkada bukas. Hindi ko alam kung sasama ako. Nandun kasi si Mr. Abs e. Parang awkward lang kasi talaga. Masaya ako kasi makikita ko si crush at saka si bestfriend kahit na sawang-sawa na ako sa pagmumukha ni crush kasi nga schoolmate naman kami. Haha. Pero seryoso awkward na kasi talaga. Tapos nalaman ko may isasama si Seth. Pupunta ba ako o hindi? Si L naman nagprepresintang sumama. Edi sobrang awkward? LUH! Eotokke? >o< Joke!

Entry 107

In the end pumunta pa din ako. Salamat naman sa pagsusundo saakin ni L! Oo si L talaga! Makapal mukha niya e. Magpapakilala daw siya sa besfriend ko! Patago akong nagsusulat ngayon. Medyo awkward talaga ang atmosphere ngayon. Ang ganda nung kasamang babae ni Seth. Edi siya na pretty! Gwapo naman si L e. -____-

Teka? Nagseselos ba ako?

Entry 108

YEY! MAY EXAM! AYOKO NA MAG-ARAL! Babush COLLEGE LIFE! MAGTATRABAHO NA ME! ToT

Maglandi nalang daw ako sabi ng nanay ko. Pakasal na daw ako sa mayamang madaling mamatay para daw madami akong pera.  Ayan ang nanay! Madaming words of wisdom. Awesome!

Entry 109

Lusong-lusong din kapag may time. Naabutan kasi ako ng ulan kanina. KADIRI!!! FEELING KO LAHAT NG DURA, BASURA, IPIS, DAGA, LAHAT NA NG EEEEEEW SA MUNDO NAEXPERIENCE KO. ISAMA MO EBAK NG BATA ToT

I’m waterproof! NOTHING TO LOSE! SWIM AWAY! SWIM AWAY!

Sa susunod na mag-aayos ako ng bag, sisiguraduhin kong may jetski na sa loob. Dora ba! GENIUS!

Entry 110

Alam niyo yung parang dati? Yung torn ako kay crush at kay mr. abs kung saan ba ako pupunta? Sa birthday ni A o kay B? O ayan! Niyayaya ako ng date ni L at ni Abs. Woooo saya ko ah! Pagsabayin ko sila e! Joke syempre. Nandyan naman kasi na gusto ko makilala yung isa at gusto ko unawain yung isa. Anong gagawin ko?

P.S. May sumpa ka ba saakin diary?

****

oh sumpaaaa!!! XD kinawawa mo nanaman si Jem FENK DIARY. bakit ka kasi bumalik? ipapatapon ka na niya talaga! tapos ako naman magsusulat para magkalablayp *_________*

ang hindi magvote and comment isusumpa ni diary! XD

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon