"Sinasabi ko naman sayo Doming na bilisan mo ang pagkuha ng mga bulaklak, tingnan mo ginabi na tayo. Alas nuebe na oh! Nakikipag kwentuhan kana naman siguro duon sa mga kaibigan mo ano??!"
"Hay naku Rosa, pwede ba mamaya mo na ako sermonan pagdating natin sa bahay!"
"Ay, kilala mo 'tong asawa mo. Hindi namimili ng lugar itong bunganga ko!"
"Sandali lang muna't naiihi ako."
Habang umiihi si Doming sa may talahiban ay napansin niya ang isang kotse na nahulog sa bangin. Medyo madilim ang parte ng lugar na ito at hindi masyadong matao. Kaya siguro walang nakakita sa nangyaring aksidente. Ngunit napansin niyang may maliit na ilaw na nagbi- blink na galing mismo sa nahulog na sasakyan. Sa sobrang gulat ay hindi na niya tinapos pa ang kanyang pag-ihi. At dali-daling tinawag ang kanyang asawa.
"Ro---Rosa!! Rosa!!"
"Ano na naman! Nako sinasabi ko sayo! Inaantok na ako Doming!!"
"May kotseng nahulog sa bangin at parang may mga taong sakay!"
"Ha----ha?! Saan banda?"
"Puntahan kaya natin? Baka buhay pa ang mga iyun!"
"Naku! Eh paano kung patay na ang mga iyan? Edi tayo pa ang mapagbibintangan!"
"Rosa! Bakit naman tayo pagbibintangan eh, nahulog nga sila sa bangin! At aksidente iyun!"
"Diba, sa mga palabas nangyayarin yun? May naglagay ng kung anu-ano sa kotse para mawalan ito ng preno! Eh paano nga kung maabutan tayong nasa crime scene, sige nga?"
"Ahh basta, pupuntahan ko sila! Mauna ka na dun"
At dali-dali itong tumakbo papunta sa bangin nang may dalang flashlight.
"Hoy! Doming!! Napakatigas talaga ng ulo mo!! Bumalik ka nga rito!"
Wala naman din siyang magawa kundi sundan ang kanyang asawa dahil tumatayo na rin ang kanyang balahibo sa takot.
At pagbaba nila ay nakita nga nila ang wasak na kotse na kung saan may sakay itong mag-asawa at isang batang babae na may edad isang taong gulang. Halos hindi sila makapagsalita nang makitang duguan ang mga ito.
"Sus mareosep! Doming!! Nanginginig ako!!"
"Relax ka lang! Tingnan natin baka buhay pa ang mga ito."
"Doming dahan-dahan ka"!
Unang tiningnan ni Doming ang mag-asawa na parehong nag-aagaw buhay. Ngunit pilit na nagsalita ang babae na tila mayroon itong nais sabihin sa kanila."Ahh..maam, kaya n'yo pa ba? Tatawag kami ng Ambulansya, Ha? Wag po kayong gumalaw sir. Kalma lang po kayo, ililigtas namin kayo."
Wika ni Doming na kalmadong kinausap ang mga biktima, Ngunit sinabihan siya nito ng..."Hi..hindi na ka..kaya... Yu...yung an----anak namin iligtaas niyo siya.. a__alagaan ninyo siya.... na-nakikiusap po ako sa inyo..."
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasyIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.