Chapter 7

634 9 0
                                    

At buti nalang maagang umalis si Jack dahil mga ilang sandali lang ay dumating na si Mae. Naabutan niya si Lily na nag-aayos ng higaan.

"Oh Lily? Ba't gising ka pa? At bakit ang gulo nitong kama? At may dugo pa sa bedsheet!"
Pagtatakang tanong ni Mae.

"Ah, ma----may regla kasi ako Mae. At na-----natagusan ko."
Pagsisinungaling niya. Naglakad ito ng normal,
kunyari walang masakit sa kanya.

"Oh ba't ang aga mo umuwi? Diba sabi mo, mag-iinuman pa kayo?"
At nag change topic kaagad siya.

"Hay naku! Hindi naman kasi maubos-ubos yung mga beer duon uy! Matulog nako dzai ha?"

At agad itong dumapa sa kama at natulog.  Nakahinga lang si Lily ng maluwag nang makitang nakatulog na ang kaibigan. At mabilisan niyang nilabhan ang bedsheet na may mantsang dugo. Na senyales ng kanyang pagsuko ng Bataan.  Naligo din siya pagkatapos dahil dumikit sa kanyang balat ang amoy ng pabango ni Jack.

Habang sinasabunan niya ang kanyang katawan, ay pakiramdam niya'y hinahawakan siya ng binata. Napahikbi na lamang si Lily. Gulong-gulo ang kanyang isipan ngayon. Bagama't ginusto rin niya yung nangyari sa kanila, ay maling-mali padin iyun. At iyun ay hindi dapat nangyari sa kanya. Dahil malaking problema iyun pag nagkataon.

Hindi siya makabalik sa pagtulog. Dahil mas bumabalik sa kanyang ala-ala yung nangyari sa kanila.   Walang tigil sa pagbuga ng luha ang kanyang mga mata. Pumikit siya't nagdasal upang humingi ng tawad sa Panginoon. Sadyang tao lamang siya na natutukso at nagmamahal.

Lumabas siya ng kwarto at dumungaw sa bintana. May nakita siyang magkasintahan na naglalambingan habang naglalakad. Kaya hindi niya maiwasang mainggit. Gusto niyang maging normal na babae katulad ng iba. Pakiramdam niya wala siyang Kwentang tao. Palagi na lamang nakadepende ang buhay niya sa bulaklak. Nagalit siya sa kanyang sarili at sa sobrang inis ay kinuha nito ang water Lily.

"Bakit ba ayaw mo nalang akong gawing normal na tao ha!! Bakit hindi mo ako hahayaang sumaya?! Bakit nasasaktan ako 'pag nasasaktan ka?! Hindi ba pwedeng ikaw nalang yung mawala tapos mabubuhay ako?!! Hindi ba pwede yun?! Bakit kailangang kasama ako?! Ang hirap kasi ng ganitong sitwasyon, ni wala akong makuhang sagot kung bakit ako ganito!"

Napagod siya  sa kakaiyak at umupo na lamang ito sa sahig katabi ang  bulaklak. Nakasandal ang kanyang ulo sa pader , at mga ilang minuto lang ay nakatulog din siya sa wakas.

Nagtungo si Jack sa kanilang Hacienda, na 'di kalayuan sa tirahan ng mga Dela Vega. At sa lupaing iyun ay mayroon silang rest house. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot at pighati. At sa sobrang pagod niya ay hindi na ito pumasok pa sa loob. At minabuti na lamang nitong  humiga  sa bermuda grass. At tanging si Lily lamang  ang laman ng kanyang puso't-isipan. Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. At kasabay nito ay siyang pagpatak din ng kanyang luha.
Akala niya'y  tumila na ang ulan dahil wala na siyang naramdamang patak nito. Ngunit nang dumilat siya ay  naaninag niya si Jasmine na may hawak na payong. Pinuntahan niya si Jack dahil natanaw  niya ang kotse nito, habang siya'y nagmumuni-muni sa kanilang terrace.

"Jack Malakas ang ulan! Bakit dito ka humihiga  sa labas?"
Pag-aalalang wika niya sa binata.

"H@yop ka!!"
Bigla siyang tumayo at sinakal ang dalaga. Dahilan upang mabitawan nito  ang kanyang   dalang  payong. At  pareho silang  nabasa ng ulan.

"J----Jack, anong ginagawa mo?!"
"Napakahayop mo!!"
"Aray!!! Jack ano ba!! M----makikita tayo ni papa!"

Sa takot ni Jack na makita sila ni Don Vicente ay dinala niya si Jasmine sa loob ng resthouse. Galit na galit itong hinawakan ang balikat ng dalaga.

"What the h3ck?! Nasasaktan ako Jack!! Ano bang problema mo?! I'm carrying our child!!"

"Oh really? Are you sure?!"
Binitawan niya ito.

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now