Chapter 11

608 10 1
                                    

Ang masakit na salitang iyun ay paulit-ulit na pumapasok sa tainga ni Lily. Parang tinusok-tusok ng karayom ang kanyang puso. Hindi niya lubos akalain na gugustuhin pala ni Jack na mawala siya. Ngunit sa isip niya ay baka naguguluhan lamang ang binata dahil nag-aagaw buhay ang ina nito. Naghahalo ngayon ang emosyon ni Lily, nasasaktan siya sa sinabi ni Jack, and at the same time nakokonsensya rin ito sa nangyari kay Amor.

Naiintindihan rin niya ang naging reaksyon ng binata, na mas pinili nito ang ina kaysa sa kanya. Which is normal na gawin ng isang anak.   Ngunit may puwang pa kaya siya sa puso ni Jack, kung gayong halos kinamumuhian siya nito?

"Diyos ko Lily! Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang idinulot saatin yang pamilya ni Jack, kundi puro kapahamakan! Aba'y buti nga sa Amor na 'yun! pero wag naman sana siyang matigok!"
Nangigigil sa galit si Rosa matapos nitong malaman ang nangyari kanina sa shop.

"Inay, bakit po pakiramdam ko parang kasalanan ko po..."

"Anak, wala kang kasalanan ha? Ikaw na mismo ang nagsabi na aksidente 'yun. At naniniwala kami saiyo. Kami ng itay mo  ang nagpalaki sayo kaya alam ko na hindi mo kayang manakit ng tao. Tahan na..."

"Jas, kamusta ang lagay ni mommy?"
Wika ng binata na kararating lang.

"Tiningnan pa siya ng mga doktor. At sana lang maging ligtas si tita, dahil kung hindi mabubulok sa kulungan si Lily!"

"Saka na natin isipin 'yan. Ang importante magiging ligtas si mommy.okay?"

Lumubog ang  araw at sumapit ang gabi.
Tatlong  lalaki ang pumasok sa loob ng bahay nila Lily, habang sila'y mahimbing na natutulog.

Tila ba sanay na sanay na ang mga ito. Dahan-dahan silang pumasok  sa loob nang walang nagigising. Umakyat sila sa taas at nakita nilang bukas ang kwarto ni Lily. Pinasok nila ito at hinanap ang bulaklak na kanilang sadya. Maliwanag ang buwan  kaya mabilis nilang nakita ang water lily. Nakabukas kasi ng kunti ang isang parte ng bintana nito, dahil pinagpapawisan  sila sa sobrang init.
At matagumpay nilang nakuha ang bulaklak ng buhay.

"Hello maam? Nandito na po kami sa Ospital. Dala na po namin."

"Mga hangal! Bakit kayo pumunta d'yan?!!"

"Eh sabi nyo po dalhin namin sainyo!"

"Nabasa mo ba yung huli kong text? Sabi ko nasa airport ako! Sunugin nyo nalang yan d'yan. Dahil wala ng time, mali-late na ako sa flight ko pa New York!"

"Kopya maam!"

At tuluyan na ngang nasunog ang bulaklak.

Uuwi muna si Jack upang magpahinga. Stable naman na raw ang kanyang ina. Kaya  ang kanilang katulong muna ang magbabantay kay Amor.
Sa parking lot ay nadaanan niya ang tatlong lalaking nag-uusap.

"Ano kayang meron sa bulaklak na yun pare?"

"Kaya nga, bakit kailangan pa nating nakawin para lang sunugin?"

"Eh samantalang, kadami namang water lily sa ilog!"  (Hahaha)"

At nang marinig ni Jack ang pangalan ng bulaklak ay binalikan niya ang mga ito.

"Water Lily? Tama po ba yung narinig ko??"

"Sino siya pare?"
Tanong ng isang lalaki sa kanyang kasamahan. At kilala pala nun si Jack.

"Si Jack Villarica yan, yung ex ni maam Jasmine."
Pabulong nitong sabi.

"Ah, Oo sir tama po kayo, water Lily po."

At dito na nagsimulang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Na tila bagang naramdaman niyang may masamang nangyari.

"A-----anong kulay?!"

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now