Chapter 2

1.2K 24 0
                                    

"Tao po? Tao po?

"Love walang tao. Let's try sa kabila?"
wika ng isang mayamang babae.

"No, dito raw may magandang flowers, at alam nilang ngayon natin kukunin ang mga bulaklak"

"Tao po? Tao po?"

Hindi sila narinig ng mag-ina dahil nanduon sila sa may likuran ng shop, dun kasi nakatambak ang kanilang mga bulaklak.
Sa katunayan, si Lily talaga ang naka assign duon upang  mag-i entertain ng mga costumer dahil pag nakita nila ang dalaga ay naiingganyo silang bumili  dahil sa maamong mukha nito. At hindi pa kasi dumating si Doming kaya't  tinulungan muna niya ang kanyang inay.

"Oh, Lily! Kukunin na raw yung mga bulaklak."

Wika ni Doming na kararating lang.

"Ah, sige ho itay."

Paglabas ni Lily ay namangha ang lalaki sa angking ganda ng dalaga. Halos hindi na nga nito magawang kumurap.

"Wow! I like it babe, sobrang ganda nitong flowers  na pinili mo para sa wedding natin." 
Ngumingiting wika ng babae sa kanyang fiance. Pero hindi kumibo ang lalaki  na tila bagang wala itong ganang kausapin s'ya.
Dahil abalang-abala ito sa kakatitig kay Lily. At kung napatulala ang kanyang nobyo sa napakagandang dalaga, ay nabighani naman s'ya sa natural na ganda ng water lily, na nakadisplay sa ibabaw ng mesa. At nais n'ya itong bilhin.

"Ah, Miss? Can i have that one?" Tinuro n'ya ang bulaklak.

"Ah, (hehe) maam...hi---hindi po namin binibenta yan."

"Sige na, please? Babayaran ko kahit magkano."

Biglang nag-iba ang awra nang mukha ni Lily. Nakukulitan na ito sa babaeng nais bilhin ang bulaklak na siyang  nagbibigay buhay sa kanya.

"Jasmine, let's go! Hindi nga nila binibenta yan." Pagsasaway ng lalaki.

"Really? Then why? I'ts just a piece of flower! At isa pa hindi ko naman hihingin yan, babayaran ko nga diba?!"

Wika n'ya na may halong galit ang tono ng kanyang boses. Mula sa likod ay narinig ng mag-asawa na tila nagsasagutan ang kanilang mga customer. Kaya naman sinilip nila ito.

"Ah, mawalang galang na po maam at sir. Ano ho bang nangyayari dito? May problema po ba?"
Mahinahon na tanong ni Rosa.

"Inay, nais ho kasi bilhin ng asawa ni sir yang water Lily na iyan."

"Ahh, excuse me po. Hindi ko pa po s'ya asawa."
Paglilinaw  ng lalaki.

"Ay naku! (hehehe) hindi po talaga namin yan binibenta. Dahil may sentimental value po  saamin yan."
Dagdag pa ni Rosa.

"Pero kung...kung gusto n'yo po ng mas magandang bulaklak, aba'y marami kami nun sa loob." Wika ni Doming.

"Wait...Anong meron sa bulaklak na yan at bakit ayaw ninyong ibenta saamin huh?"

"Sir kausapin n'yo po yang jowa n'yo. Mukhang may pinag-aralan naman pero hindi lang nakakaintindi!" Sabi ng naiinis na si Rosa.

At bigla itong umalma at nang-away.

"Wow! Ganyan ba kayo mantrato ng mga customers ninyo? How cheap!!"

"Jasmine let's go!"

"Mawalan sana kayo ng customer!!" Mataray na wika ni Jasmine na nang-gagalaiti sa galit.

"Hoy!! Babaeng may saltik! Wag na kayong bumalik dito ah!!"
Pahabol na wika ni Rosa na biglang nahighblood sa inasal ng ung babae.

"Inay kalma lang po kayo."
"Mga bwesit! Hindi makaunawa!"
"Oh, Rosa.. magtubig ka muna."

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now