Chapter 5

771 14 0
                                    

Umaga na nang umuwi si Jack sa kanila. Sa hotel  pala siya  natulog kagabi. Dahil iniiwasan niya ang kanyang ina. Pagpasok n'ya sa gate ay nakita niyang nakaupo sa kanilang garden si Amor na umiinom ng tea. Tila naghihintay sa  kanyang pagdating.

"Buti naman at naisipan mong umuwi."
Mahinahon niyang sabi at tila humupa na ang galit nito.

"Mom, i'm sorry to disappoint you."

"Isang malaking kahihiyan sa pamilya natin  yung ginawa mo Jack! Ang b*bo mo sa part na tinanggihan mo si Jasmine! Pinahiya mo pa  siya sa harap ng maraming tao!"
Nanginginig ang kanyang boses sa sobrang galit. Ngunit hindi nakatiis si Jack at binara ang kanyang ina.

"Mom,  haven't i told you that before na wala akong nararamdamang pagmamahal kay Jasmine?! Pero wala! Pinagpipilitan n'yo parin! And i hate to say this pero ang unfair n'yo po sa part na 'yun!"

"And how dare you para pagsalitaan ako ng ganyan, ha?! I'm your mother and i know what's best for you! Jack, sinayang  mo si Jasmine!"
Namumula na ang kanyang mga mata sa kakadakdak sa kanyang anak. Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Jack habang palakad-lakad.

"Really mom? Si Jasmine po ba yung sayang o yung lupain niya? You know what mom, May pera na tayo, maraming negosyo, may bahay. At may malawak din naman tayong lupain. At hindi ko ma gets kung bakit kailangan ko siyang pakasalan para  sa mga 'yun?!"

"Jack, mahal ka ni Jasmine! Naiintindihan mo ba yun?!"
Tinapik niya ang dibdib ng binata.

"I don't love her. That's my last and final word. And I hope you'll understand."

Tumalikod na sana ito nang biglang...
"Then go abroad and live there!"

Lumingon ito at sinabing..
"Sure. When?"

At saka siya umalis.
"Jack!! Jack!!"

Matagal nang naninirahan sa abroad ang ama ni Jack pati ang kanyang bunsong kapatid na lalaki. Mas close ang binata sa kanyang ina. At magkasundo naman si bunso at ang daddy nila. Magkahiwalay na kasi ang kanilang mga magulang, ngunit nananatili parin silang magkaibigan.
Bata pa lamang si Jack ay wala na  itong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng sinasabi ng kanyang ina. Siguro nga't dahil panganay siya, kaya palagi itong dinidiktahan ng kanyang ina.  Wala din kasing hilig sa negosyo si bunso kaya si Jack lamang  ang inaasahan ni Amor na magpapatakbo  ng kanyang mga pinaghirapang negosyo.

Dumiretso si Jack sa kanyang kwarto upang magpahinga. At sa kanyang pagpikit ay mukha ni Lily ang kangyang nakikita. At inalala rin niya yung nangyari sa kanilang dalawa kahapon. Napahawak ito sa kanyang labi at malawak ang ngiti.

Ngunit ayaw niya yung babaeng masyadong mahinhin o inosente. Kaya pilit niyang binubura ang larawan ng dalaga, na tila nakaukit na sa kanyang isipan. Pero ayaw itong matanggal. Kaya sa isip niya baka nahihiya lang ang dalaga. Pero pag nagtagal ay baka makursunadahan niya ito.

"She's so nice."
Bigla siyang tumayo, naligo at nagbihis upang puntahan si Lily. Tila ba gusto niya itong mas makilala pa ng lubusan.

"Goodmorning dzai!"
Pagbati ni Mae sa kaibigang gising na ngunit nakatulala pa. Sobrang sarap ng kanyang tulog at napanaginipan pa niya si Jack kagabi. Siguro nga dahil palagi niya itong iniiisp hanggang sa kanyang pagtulog.

"Ah, go---goodmorning Mae. Anong oras na?"
Nagmamadaling niligpit ang  kanyang higaan.

"Aba'y oras na para kumain at magbenta ng mga bulaklak! Ikaw talaga, bakit sino 'yang iniisip mo? Si Jack ano?"

"Oo siya nga."

"Ayeah! So ano? Kailan daw kayo magkikita ulit? "
Excited niyang tanong.

"Hi----hindi ko alam. Pero sana nga makalabas na si itay para hindi na ako malagay sa alanganin."

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now