"Putik! Lily? Anong ginagawa ni Jasmine sa kanya?!"
Nag-aalalang wika ni Mae. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit hindi siya makapasok.
Kinakailangan niyang mag-isip ng paraan upang mailigtas ang kanyang kaibigan. Hanggang sa naisipan nitong lapitan ang sound operator na nakapwesto sa gilid ng stage."Ah... kuya excuse me po, Ako po yung assistant ni maam Amor. Pwede po bang makiconnect sa bluetooth niyo? May ipapakita lang po sana kaming video."
Pagsisinungaling ni Mae. Tagaktak na ang kanyang pawis. Sobra siyang nag-aalala kay Lily, kaya umaasa siyang pagbibigyan ng operator."O sige po maam."
Sa wakas ay pumayag din ito. Dali-dali siyang pumwesto sa may pintuan ng CR, upang mabilis niyang makuha si Lily. At duon, pinatunog niya ng malakas ang fire alarm. Dahilan upang magkagulo ang mga tao. Nagsitakbuhan at nagtulakan ang mga ito patungo sa fire exit.
"What the h3ll is that?!!"
Marahas na wika ni Jasmine."Ma-----may sunog ba?"
Mahinang sabi ni Lily at unti-unti na itong nanghina."At kung may sunog man, sana kasama ka!!"
Bwelta niya kay Lily at dali-dali itong lumabas. Hindi niya nakuha ang bulaklak dahil nagmamatigas talaga si Lily. Syempre buhay nya rin ang nakasalalay rito.Pagbukas palang niya ng pinto ay inupakan kaagad siya ni Mae. Sinampal-sampal hanggang sa napasubsob si Jasmine sa may upuan. At hindi pa nga nakuntento si Mae at tinadyakan pa niya ito. Hindi siya masyadong namumukhaan nito dahil nakasuot siya ng itim na sumbrero at face mask. Dinampot lang niya ang mga ito sa table na naiwan ng may-ari.
"Lily!! Ayos ka lang ba?!"
Nakaupo ito sa sahig na yapos ang water lily. Lantang-lanta na ang dalaga. Kaya agad na kinuha ni Mae ang bulaklak at nilagyan niya ito ng tubig.
Hindi nakatayo si Jasmine sa sobrang sakit ng kanyang katawan, ngunit nakita niya mismo ang ginawa ni Mae sa bulaklak. Na curious ulit siya kung bakit hindi nila pwedeng hayaang malanta ang bulaklak na iyun.At kumaripas ng takbo ang dalawa palabas. Kailangan nilang makatakas bago paman sila tuluyang mabisto.
Sa takot ng kanilang mga bisita ay wala ng natira sa venue. Ang tanging naiwan nalang duon ay ang dalawang pamilya.
"Anong nangyayari?? Don Vicente are you alright??"
"Amor, ikaw dapat ang tatanungin ko niyan, anong nangyari? Wala namang nasunog!!"
"Help!! Help!!"
Malakas na sigaw ni Jasmine."Jasmine? Anak? Are you okay?!"
"Oh my God! Jasmine! Natamaan ka ba sa stampede kanina?? Where is Jack?"
"Mom, where is Lily?!"
Hinihingal na wika ng binata. Ngayon lang din ito nakausad sa matinding stampede na nangyari kanina."Where is Lily! Where is Lily! I don't know!!"
Naiiritang saad ni Amor."Jack, please help me!!"
Pagmamakaawa ng dalaga. At dahil labis na nag-alala ang binata para kay Lily, ay tiningnan lamang niya si Jasmine at tsaka tumakbo palabas."Jack!!! Si Jasmine yung nasaktan Oh!!!!"
Sigaw ni Amor sa anak ngunit hindi nagpatinag ang binata.Buti nalang at may dalang pera si Mae, kaya nakapag taxi sila pauwi.
Umuuwi na namang luhaan si Lily. Palagi nalang itong umuuwing malungkot kapag kasama si Jack. Baka nga hindi talaga sila para sa isa't-isa."Lily anak? Anong nangyayari sayo? Mae, napano itong kaibigan mo?"
Hindi kumibo si Lily bagkos yumakap na lamang ito sa kanyang inay at napahagulgol ng iyak.
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasyIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.