"Nasaan ako?!"
Wika ni Lily na biglang nagising sa mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak. At nang siya'y lumingon ay nakita niya ang isang magandang babaeng nakatayo na nakakorona ng bulaklak. Nakasuot ito ng kulay puting damit. Para itong dyosa sa paningin niya."Maligayang pagdating sa aking mahalimuyak na hardin binibing Lily!"
"S-----sino ho kayo? At bakit po ako nandito? Anong lugar po ito?!"
At humakbang ito papalapit sa kanya.
"Ako si Raya isang diwata at reyna ng mga bulaklak. At ako'y nagagalak na ika'y makita at makausap."
Ngumingiting sambit nito."Bakit po ako napunta dito? Nasaan po ang pamilya ko?!"
Tila nakaramdam na siya ng kaba."Halika, ipapasyal muna kita sa aming tahanan."
Napakaganda ng hardin, punong-puno ito ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. At para kang nasa langit na. May mga diwata rin dito na nag-aalaga sa mga bulaklak.
At habang sila ay nag-ikot-ikot sa paligid ay saka palang niya naalala ang bulaklak ng buhay. Nagtaka ito kung bakit siya masigla at humihinga nang hindi kasama ang water Lily.
"Ang iyong bulaklak na nagbibigay sayo ng buhay ay wala na."
"Po?? Pa---paano ho nangyari yun? Eh, katabi ko lang po yun nung natutulog ako!"
"Lily...Hindi ninyo napangalagaan ng mabuti ang bulaklak na iyun. Sinasaktan at parating nalalagay sa panganib. Hindi ka nagtagumpay sa iyong misyon na pangalagaan ang aking water Lily."
"A---ano pong misyon? May alam po ba kayo tungkol sa buhay ko?? Bakit po ako ganito? Bakit hindi po ako normal na tao?!"
Naglakad muli ang diwata at dali-dali niya itong sinundan.
"Mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan nang bumisita ako sa mundo ng mga tao. At aking nadaanan ang isang babae na nananalangin sa labas ng simbahan, karga-karga ang nag-aagaw buhay na sanggol. Ako ay nahabag sa kalagayan ng mag-ina. Kaya't napagdesisyonan kong dalhin sila rito.
At dahil gusto niyang mabuhay ang kanyang anak, ay ipinahiram ko sa kanila ang pinaka espesyal kong bulaklak, ang water lily. Na siyang magbibigay buhay, at kamat@yan kapag ito'y hindi iniingatan. Ginawa kong kakambal niya ang bulaklak na iyun. Kaya kung masasaktan ito ay masasaktan din ang bata. At kung masigla naman ito ay mamumukadkad din ang buhay ng sanggol."
Sa dami ng katanungan patungkol sa buhay ni Lily, ay tila ngayon lamang nabigyan ng linaw ang lahat.
"At dahil nabigo kang pangalagaan ito ay kinakailangan mong maparusahan."
"Ano pong parusa sinasabi ninyo? Alam po ba ito ng aking inay at itay?!"
"Ang alam nilang lahat ay p*t@y kana. Inilibing kana nila kahapon."
"Pe-----pero buhay pa po ako! Paano po nangyari yun??"
Lumuluhang saad ni Lily."Hinukay ko ang iyong bangkay at binigyan ulit kita ng panibagong buhay. At ikaw ay mananatili rito upang alagaan ang aking mga bulaklak."
"Ganun po ba?? Pe-----pero makakauwi pa naman po ako saamin diba?"
"Mananatili ka rito sa aking hardin sa loob ng isang daang araw. At sa araw ding iyun ay sisibol ang panibagong water lily.
At dahil makapangyarihan ang diwata, ay ipinakita niya sa dalaga ang nangyayari sa mundo ng mga tao. Pero sa umaga lang nila masisilayan ang mundong iyun, sa gabi hindi na.
"Si...Jack? Si Jack po ba yan?!"
Natutuwang wika niya. Masaya siyang makita muli ang binata. Dinalaw siya ni Jack sa kanyang puntod."O siya, pagmasdan mo lamang siyang mabuti. At ako'y mag-iikot muna dito."
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasyIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.