Inayusan na siya ni Mae. At dahil maputi na si Lily, ay very light na make up lang ang inapply sa kanyang maamong mukha. Very stunning si Lily sa kanyang evening dress, with a sexy high slit on the right leg. At si Jack pa mismo ang pumili nito. Ang kulay na kanilang napili ay mustard yellow. Ngunit nung sinukat niya iyun sa mall ay hindi niya pinakita kay Jack, dahil aniya nais niya itong i surprise.
Akmang-akma ito sa balingkinitan niyang katawan. Sobrang revealing ng damit na ito, kaya naman litaw na litaw ang kanyang usos."Ayan na! Perfect! Ikaw na gyud ang pinakagwapa didto dzai!"
Wika ni Mae matapos niyang ayusan ang dalaga."(Hehehe) Maganda na ba ako nito Mae?"
"Oo naman! Naku panigurado maiinggit sayo yung Jasmine na yun! (Hahaha)"
"Ano ka ba, kinakabahan nga ako pag nandun siya eh."
"Kaya nga ang tanong ko sayo, sigurado ka naba talaga sa desisiyon mo na pumunta sa party? Bantay'g gubot nasad na ha?!" {Gulo}
"Don't worry Mae, mag-iingat ako. Tyaka nandun naman si Jack, siguro naman hindi niya hahayaang may mangyaring masama saakin."
Ngumingiting sabi niya.Okay na ang lahat, yung awra niya pak na pak. Yung gown kabog na kabog. Ngunit ang pinoporblema nila ngayon ay kung paano bibitbitin ni Lily ang water lily. Alangan naman na magdala siya ng malaking bag sa party, diba? Kaya lang hindi rin naman siya makakapunta duon kung hindi niya kasama yung bulaklak.
"Ganito nalang dzai, sasama ako! Ako magbitbit sa water lily. Katulad nung dati, diba? (Hehehe)"
"Eh, okay lang ba sayo Mae? Nakakahiya naman, ang dami mo ng ginawa para saakin."
"Ano ka ba! Para ka namang just now! Wait lang, bihis lang ako."
Hindi niya mapigilang tingnan ang sarili sa salamin. Sobra siyang excited sa magiging reaksyon ni Jack sa oras na makita nito ang kanyang suot.
"Wow naman anak! Ikaw ba yan? Napakaganda naman ng anak ko! (Hehehe)"
Natutuwang sabi ni Rosa na kakauwi lang galing sa Pharmacy. Bumili ito ng mga gamot para kay Doming."Hello po inay, ayos na po ba itong suot ko?"
"Oo anak, bagay na bagay sayo! Kaya lang, bakit naman ganyan yang dibdib mo? O wala paba si Jack? Anong oras ka susunduin nun?"
Sabay lapag ng biniling gamot."Ah, baka parating na po yun inay."
At hindi nga siya nagkamali't dumating na si Jack.
Naghintay lang ito sa sala dahil nasa taas pa ang dalaga."Mae!! Halika na, nandito na si Jack!"
"Okay dzai palabas na!"
At nang bumaba na si Lily ay biglang napatayo si Jack. Halos hindi na nga ito humihinga kakatitig sa dalaga. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.
Nakatayo na si Lily malapit sa binata, pero hindi parin ito kumukurap."Hoy, Jack! Okay ka lang ba?"
"Ah,Ye-----yes! Sorry ang ganda mo kasi. Mas lalo kang gumaganda ngayon. Bagay na bagay pala sayo yang damit na napili natin (hehehe.)"
"(Hehehe) Thankyou Jack. Ikaw din ang gwapo mo ngayon. Bagay din sayo yang suot mo.
"Eherm!! Pwede mamaya na yan? Baka gabihin tayo lalo eh, diba? Marami namang time para sa landian kineme na yan ano? So let's go??"
Sarkastikong sambit ni Mae, na umiksensa sa gita ng pag-uusap ng dalawa."Ah, Jack pwede ba nating isama si Mae?"
"Yeah, sure! Let's go?"
"Inay mauna na po kami."
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasiIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.