"Lily anak, ikaw na muna bahala sa itay mo ha? Babalik ako agad."
"Opo inay, mag-iingat po kayo."
Tamang-tama at gising na si Doming kaya nagkaroon si Lily ng pagkakataong makausap ang kanyang itay. Kahit paman hindi pa ito nakakapagsalita ng maayos.
"Kamusta na po ang pakiramdam ninyo itay? Namiss ko na po kayo. Sana gumaling na po kayo kaagad dahil hinihintay kana po nung mga bulaklak natin sa shop. Mahal na mahal ko po kayo itay. Lahat po gagawin ko para sa inyo."
Mangiyak-ngiyak niyang sabi at hinalikan niya sa noo ang kanyang ama. Kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ni Doming.
Maya-maya pa ay kumatok si Jack. Agad na lumabas si Lily. Nagpaalam muna ito kay Doming na kakausapin niya saglit ang kanyang bisita.
"Lily ito tanggapin mo."
Inabot ng binata ang isang sobreng may lamang pera."Sir ang dami naman po nito! Sobra-sobra na po ito sir."
"Hayaan mo na, fifty thousand lang yan. Pambili ng gamot ng tatay mo. T'yaka para allowance mo na rin."
"P---pero sir..."
"Sige na....wag kanang mahiya. Deserve mo yan dahil ginalingan mo sa pag-arte kahapon at kanina (hehehe)"
Hinawakan niya ang kamay ng dalaga."Ka----kanina??"
Naglakad ng dahan-dahan ang binata paikot sa kanya.
"Oo, sabi ni Mae sakin na sinabi mo raw kay Jasmine na mahal mo ako.""Ha? Ah,(hehehe) umaarte lang po ako nun para timigil siya't umalis."
"Talaga ba? Arte mo lang yun?"
Bulong niya rito. Tumaas tuloy ang balahibo ni Lily nang dumapo sa kanyang balikat ang baba ng binata."Mr. Villarica??"
Wika ng isang babaeng doktor. Namumukhaan kasi nito si Jack habang ito'y naglalakad sa hallway."Ah...Doc. Santiago, kamusta po?"
Ngumingiting wika niya. Si doc. Santiago ay isang obstetrician (OB)."Okay lang ako. Ikaw ba? Nabalitaan ko na hindi natuloy yung kasal ninyo ni Jas. I hope you both are doing well."
"Ah,(hehehe) salamat po doc."
"Oh s'ya, i have to go now. Nag-aantay yung pasyente ko. Have a great day! And please send my regards to Mrs. Amor, huh?"
"Sige po."
Tumalikod na sana ang doktor nang bilang may naalala si Jack.
"Ah doc. wait lang po, may itatanong lang po ako."
"Ano yun Jack?"
"Kamusta po yung pagbubuntis ni Jasmine? Hindi po kasi ako nakasama nung unang check up niya. Pero ang sabi po ni Jas at ni mommy, kayo raw po yung OB niya."
"What? Buntis si Jasmine? Jack hindi ko alam. Hindi naman siya nagconsult saakin."
"Ah, ba----baka ibang doktor ho doc. Na misheard ko lang po siguro. Pasensya na po doc, salamat po."
"Okay, Please tell Jasmine to take vitamins, huh?"
Tila may dahilan talaga ang kanyang pagpunta kay Lily. Ngayon alam na niya ang totoo. Sa galit ay sinuntok niya ang pader ng dalawang beses.
"S----sir kalma lang po kayo. Upo ka po muna."
"Sinasabi ko na nga ba eh! Niloloko lang nila ako!
Nuon paman malakas na talaga ang kutob ko d'yan sa pagbubuntis niya!Habang sila'y papunta sa tindahan ng mga bulaklak, ay may nadaanan silang nagtitinda ng indian mango. And since buntis nga raw si Jasmine ay inalok niya ito. Ang alam kasi ng binata ay ang isa sa mga gustong kainin ng mga buntis ay manga.
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasyIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.