"Yes po mom."
"So how about the flower? Nakuha mo ba?"
Sabay lapag ng kanyang bag at tumabi sa binata."Yup, pero bukas pa po yun."
"What? Bakit bukas pa?!"
"Well, ganun po talaga. Kailangan masurprise ko kayo ni Jas. (Hehehe)"
"What do you mean? Umayos ka nga!"
"Okay, dahil bukas po ay makikita n'yo na ang pinakamagandang bulaklak."
At dumating na nga ang araw na iyun. Abala ang lahat sa pag-aayos ng kani-kanilang mga kasuotan. Lalo na si Jasmine na sobrang excited maging Misis Villiarica. Actually, hindi nga siya nakatulog kagabi sa sobrang excited. Napakaganda ng kanyang gown na hindi kumulang tatlong milyong peso ang halaga. Talagang pinaghandan nila ang araw na ito, pwera lang kay Jack na walang pakialam.
At gaya nga ng sinabi niya kay Lily, ay bumalik ito duon upang humingi ng basbas kay Rosa ukol sa kanilang plano. Pormadung-pormado ito na nakasuot ng pang wedding. At bride nalang talaga ang kulang. Gwapo, matangkad, moreno, mayaman at matalino. Yan si Jack Villarica ang may hawak ng mga katangiang hinahanap ng mga kababaehan. Dumiretso siya sa Ospital kung saan naruon ang mag-ina.
"Magandang umaga po aling..."
"Rosa, yan ang pangalan ko."
Wika n'ya na hindi nasisiyahan sa pagdating ng binata."Ah nice to meet you po, Aling Rosa. Ako nga po pala si Jack Villarica."
"Ahm...hi Jack, i'm Rose your bride! (Hehehe)"
Ngumingiting sabi ni Mae na lumapit sa binata. Inirapan naman siya ni Lily at sinabi nitong..."Ah sir, siya po si Mae kaibigan ko. Ako po si Lily"
With a beautiful smile on her face."Oh, masaya po ako na nakilala ko kayo."
"Sinabi na saakin ni Lily ang tungkol sa kasunduan ninyo. Papayag ako pero siguraduhin mo lang na ligtas ang anak ko. Dahil kung hindi malilintikan ka saakin!"
Pagbabanta ni Rosa sa binata. Gising na si Doming ngunit hindi muna nila pinaalam sa kanya ang tungkol kay Lily. Nagpapagaling pa kasi ito at baka lalo lang lumala ang kanyang sakit kapag nalaman niya ang gulong pinasok ng kanyang anak.
"Don't worry po, hindi ko pababayaan si Lily."
"Naku! Siguraduhin mo lang ha? Dahil hindi purkit gwapo ka ay magtitiwala na kami sayo! Ako ang makakalaban mo kapag may nangyaring masama dyan!"
Dagdag pa ni Mae."Ako pong bahala. So Lily, let's go?"
"S---saan po tayo pupunta?"
"Sa dambana. Unang araw natin ngayon bilang couple, so kung nasaan ako dapat nandun ka din."
Paalis na sana sila ngunit may pahabol pa si Mae.
"Wait lang! kung---kung kailangan mo ng totoong jowa, always remember na naa rako dire. Baka gusto mong mosabak dire. I'm here waiting for you.(hehehe)"
Sinabayan pa niya ito ng malanding tawa. Dinilatan s'ya ni Lily dahil sobrang nahihiya na ito sa mga pinagsasabi ng kanyang kaibigan.
"Halika nga rito! Nakakahiya kang bata ka!"
Pagsasaway ni Rosa kay Mae. Sabay hila sa buhok ng dalaga."Araaay! Ante pud ay, joke ra gani!"
Nasa simbahan na silang lahat. Ngunit wala pa si Jack. Dapat nandun na ito dahil nasa labas na si Jasmine. Hinold muna ang bride dahil nga hindi pa dumating ang binata. Nababadtrip na siya sa loob ng kotse. Sinubukan niyang tawagan si Jack ngunit hindi ito sumasagot. Halos bente minutos silang naghintay sa arrival ng groom.
YOU ARE READING
BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)
FantasyIsang babae ang kakaiba sa lahat. Kinakailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Ngunit isang kasunduan ang babago sa kanyang buhay. Kinailangan rin niyang magpanggap bilang girlfriend ng isang mayamang haciendero.