Chapter 3

981 12 0
                                    

At dahil nga may malaki silang problemang kinakaharap ngayon ay todo effort si Lily upang makabenta ng mga bulaklak. Nagtawag ito ng mga taong dumadaan  sa labas.
"Sir, maam! Bili na po kayo ng bulaklak! Magaganda ho ang mga ito!! Bili na po kayo!! Please po! Para sa tatay ko!!"

Nanginginig ang kanyang boses habang ito'y nagtatawag ng  customer. Sobrang bigat ng kanyang dibdib. Gusto niyang makabenta ng marami upang mabili ang gamot ng kanilang padre de pamilya. Pero talagang sinusubok sila ng pagkakataon dahil ang  dating flower shop na pinipilahan ay naging matumal na ngayong araw.

Kung kaylan kailangan na kailangan nila ng pera.
Napahikbi na lamang si Lily habang ito'y nakaupo sa labas ng shop. Kailangan niyang mag-isip ng paraan upang magkapera. Ngunit paano? Kung gayong pagtitinda lamang ng bulaklak ang kanilang pangunahing hanapbuhay.

At  mga ilang sandali nga lang ay may pumaradang kotse sa tapat ng kanilang shop. Labis ang tuwa ni Lily dahil kahit papano may dumating na isang customer. Ngunit nang maaninag n'ya ang mukha nito habang ito'y naglalakad papalapit sa kanya, ay bigla siyang napabalikwas nang maalala niya na ang lalaking iyun ay nobyo nung babaeng nais bilhin ang kanyang bulaklak kahapon. Agad siyang tumakbo papasok sa loob at nagsara ng pinto. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib.

"Ah, miss? miss? Okay ka lang ba?"
Tanong ni Jack. Ngunit hindi na ito nagtaka pa kung bakit bigla nalang nagtago ang dalaga. Dahil  baka inisip lang nun  na magungulit na naman ito upang  bilhin ang bulaklak.

"Ano pong ginagawa ninyo dito? Hindi po namin maaaring ibenta yung bulaklak na nais ninyong bilhin kahapon! Umalis na po kayo!"

"Ah, miss... Hindi ako bumalik dito para bilhin yung water Lily."
Paglilinaw ni Jack. Hindi nagsalita si Lily at tanging iyak n'ya lamang ang naririnig ng binata. Nag-aalala tuloy s'ya kung napano na ito sa loob.

"Ah, Miss? Okay ka lang ba d'yan? Bakit ka umiiyak?"

"Nalulungkot lang po ako kasi walang bumibili ng mga paninda naming bulaklak. Kailangan namin ng pera pampagamot kay itay!"

"Ga--ganun ba? Bakit? Anong nangyari sa tatay mo?"

"Isinugod po namin s'ya sa Ospital kanina, inatake po s'ya sa banyo habang naliligo."

"Ahm, wag kanang mag-alala, bibilhin ko  lahat yang mga paninda n'yo."

Nagulat si Lily sa sinabing iyun ni Jack kaya naman agad n'yang binuksan ang pinto at hinarap ang binata.

"Po? Tama ho ba yung narinig ko sir? Bi----bibilhin n'yo po lahat ng bulaklak namin?"
Nakangiting wika ni Lily..

"Yes! Pero... Sa isang  kondisyon."
At ang malawak na nginiting iyun ni Lily ay napalitan ng pagkabahala.

"A---ano pong ibig ninyong sabihin? Ano hong kondisyon yan?"
Kabado niyang tanong.

"Ahm...simple lang naman, hindi s'ya mahirap. Magpapanggap kalang na girlfriend ko."
Ngumingiting sabi ni Jack.

"Ha? Pe---pero, hin....."
"Ayaw mo?"
"Pwedeng iba nalang po sir? Ka----kasi..."

Sa sobrang kaba ay halos hindi na ito makapagsalita. Nagdadalawang-isip s'ya sa alok ng binata. Bakit nga naman s'ya agad-agad papayag kung gayong hindi naman n'ya kilala kung sinong Pontio Pilato itong kausap n'ya.

"Listen... Kung  papayag ka sa alok ko, hindi ko lang bibilhin yang mga bulaklak n'yo kundi pati lahat ng mga  gamot ng iyong itay at pambayad sa Ospital, sagot ko na. So in short, wala na kayong proproblemahin pa. At wag kang mag-alala dahil magpapanggap kalang naman na jowa ko. Pero hindi tayo pwedeng mahulog sa isa't-isa. Ano? Deal?.

Natatakot man ngunit pumayag parin si Lily, alang-alang sa kanyang itay. At bukas ng umaga babalik si Jack sa kanila  upang magpaalam kay Rosa.

"Oh anak, bakit ang dami nitong pera? Sigurado kabang galing lahat ito sa benta ng mga bulaklak?"
Pagtataka ni Rosa habang nagbibilang ng pera. Yun pala subra-sobra ang binigay sa kanya ni Jack. Hindi na binilang ng binata yung lahat ng laman ng kanyang wallet, kasi pati wallet ay kanya ring binigay.

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now