Chapter 8

618 12 0
                                    

"San mo ba kasi ako dadalhin Jack?"
Tanong niya sa binata habang sila'y nasa loob ng sasakyan.

"Ipapakita ko sayo 'yung Hacienda namin."

Tahimik lang si Lily pero deep inside kinakabahan siya. Lalo pa't dala-dala niya ang bulaklak ng buhay. Paano kung may magtatanong na naman sa kanya tungkol sa bulaklak na iyun. Araw-araw nalang talaga niyang nararamdaman ang panganib sa kanyang buhay. Pero hindi naman siguro siya pababayaan ni Jack.

"Tita, it's over! Nalaman na ni Jack yung sekreto natin!"

"Galit na galit din siya saakin kagabi Jas!"

"Okay, hahayaan ko na si Jack! Kung yun ang gusto niya, fine! But, meron lang akong isang bagay na kailangang malaman."
Halata sa kanyang ngit na may pinaplano itong hindi maganda.

"Malaman? Like what? "

"Well, tita gusto ko lang namang kunin yung bulaklak na dala-dala ni Lily. I just want to know kung anong koneksyon ng bulaklak na yun sa buhay niya. Siguro nga very special yung flower na yun sa kanya. Parati niyang bitbit eh, i don't know i'm just wondering.

"Okay then, para naman makaganti ka sa kanya. And don't worry, bukas makikita mo ulit siya. Dahil sinabi ko kay Jack na isama niya si Lily."

"So do you think he will follow you, tita? After everything we've done to him?"

"(Hehehe) Jasmine, Jasmine! Kilala ko ang anak ko."

"Hala! Ang lawak naman dito!!"
Namangha si Lily sa malawak na lupain ng mga Villarica. Nagandahan din siya sa dami ng mga tanim na kape.

"Yup, at hindi lang dito. Meron pa duon sa pinakadulo. Yan yung rest house namin, tapos duon naman sa kabila ang  bahay nila Jasmine."

"Ah, nandyan ba siya ngayon? Paano kung makita niya tayo dito?"
Si Lily na halatang kinakabahan.

"Don't worry, i'm here. So ano? Kape muna tayo."

" Sige Jack."

Eninjoy nila ang masarap na kape, habang sila'y nakasilong sa kamalig.

"Grabe ang sarap naman ng hangin dito (hehehe)"

"Gusto mo bang  pumunta rito araw-araw?"
Tanong ni Jack na natutuwa sa naging reaksyon ng dalaga.

"Ha? A-----ayoko, nakakahiya."

"Aysus, wag kanang mahiya. Dapat masanay  kana  dahil gusto ko araw-araw tayong magkasama."
Naguguluhan na si Lily sa sinasabi ng binata. Ano bang meron sa kanila? Ang meron lang ay yung nangyari sa kanilang dalawa nung gabing iyun.

"Jack, ano ba talaga tayo? Yu-----yung nangyari saatin kagabi, para saan yun?"

"Ahm...Lily, yung tungkol sa nangyari kagabi, ginusto ko yun."

At biglang tumayo ang dalaga.
"So ganun lang yun, Jack? Naguguluhan kasi ako! Gusto mo yung nangyari saatin pero ano nga yun? Ano tayo?!"

"Lily look, hindi ko pa kayang magcommit sa ngayon. Ang mahalaga okay tayong dalawa, masaya tayo diba? Yun naman ang importante?"

At mas lalong naguguluhan si Lily dahil kagabi ay parang gusto ng binata na maging sila, pero ngayon ay tila nag-iba ang ihip ng hangin.

"Sana pala hindi ako bumigay. Sana pinigilan ko nalang yung nararamdaman ko sayo!"
Tila nagsisisi na siya ngayon.Gusto niya sana ng malinaw  na sagot mula sa binata. Pero mas malabo pa pala ito sa sabaw ng pusit.

"Darating  din tayo d'yan, huh? Hindi natin kailangang magmadali."

Maya-maya pa ay nakita ni Jack ang sasakyan ng kanyang mommy na nanggaling sa bahay nila Jasmine. Pero hindi na ito nagtataka kung bakit. Dahil baka tungkol lang sa annual party ang ipinunta ni Amor duon.

BeautifulLY (Hindi ordinaryong babae)Where stories live. Discover now