"SAAN KA NA, ANAK?"
Tanong ni Papa sa kabilang linya. Kasalukuyan kaming nakatawag sa isa't isa.
"Malapit na po, Pa. Nasa paliko na ko before Timberland."
"Sige." Tapos inend niya yung call.
Pupuntahan ko kasi siya palagi pagkatapos ng klase ko sa trabaho niya as a security guard sa isang family doon sa loob ng Timberland Homes o mas kilala sa tawag na T-Homes. Timberland Homes is just like a normal Homes or a subdivision where the rich resided.
Milyon-milyon ang bili ng isa sa mga bahay at iilang thousand naman kapagka mangungupahan ka lang. I knew this from the very beginning that that all people living here are professionals and came from a wealthy families.
Mas naging sosyal lang pakinggan kasi mga naka-'Homes'.
Sabay kami uuwi. Every 7 o' clock ang out niya at alas singko palang naglalakad nako papunta sa T-Homes.
May trabaho pa si Papa pero hindi naman ako makakasagabal kung sakaling pupunta man ako. Maghihintay lang ako sa isang tabi.
Ilang saglit ko pang nilakad ang malaking highway. Tumatabi ako minsanan kasi may mga kotse at iba't ibang service na dumaraan. Hanggang sa nakapasok ako sa exit. Hindi na ako nag-abala na dumaan pa sa entrance. I could enter on the exit part not just I want to but I am too tired to go there, instead I will get inside using the exit part. As usual binabati ko muna ang mga guards na nasa mismong gate, kilala na nila ako at kilala nila si Papa. Makailang ulit na rin akong tumambay sa mismong gate kapag napagod ako kakaupo sa may bandang tinatambayan ko mag isa kagaya nung unang hintay ko kay Papa.
Tumuloy muna ako sa loob para salubungin si Papa. Nanghingi kasi ako ng ulam sa kanya, kasi sabi niya binigyan siya ng ulam ng boss niya. Lakad takbo ang ginawa niya bago ako nakalapit. Tinanggap ko ang baonan at nagmano, tatalikod na kasi sana siya para bumalik sa trabaho.
"Gusto mo sumama dun?" Senyas niya sa bahay na pinagtatrabahuan niya.
Umiling lang ako.
"Sige, dun ka na sa gate maghintay. Dun ka na rin kumain."
Tumango na rin ako at kanya kanya kaming talikod sa isa't isa. Ilang saglit pa binuksan ko ang baonan. May nakita akong cake, kumain ako habang naglalakad at biglang titigil lang kapag may daraang kotse.
Nakakahiya kaya baka makita nila akong mukhang patay gutom. What if din may pogi pala sa loob na anak nila na mayaman. I know that all the people resided in this T-Homes are wealthy and for sure their son's are handsome.
BINABASA MO ANG
Timberland Homes #1: Rodill Zander
Teen Fiction(TIMBERLAND HOMES SERIES 1) Rodill Zander, a handsome chinito is a Chinese-American resided in Timberland Homes where Vene's father work as a security guard. She used to go there after class to wait for her father and sometimes help the other worker...