Chapter 4: Him Again

110 78 21
                                    


"NAKAKAINIS! STOP NA PLEASE! STOP NA KAKAISIP SA KANYA!"

Nang gabi ring yun ay ligtas din kaming nakauwi. Hanggang sa pagtulog gumugulo pa rin ang itsura ni Rod nung ngumiti siya sa bahay nila. I can't take him off of my head. Nakakagigil kasi ba't kailangan ko pa yung makita. Ayan tuloy hindi ko na makalimutan. Infairness, ang pogi talaga niya. Idagdag pa ang medyo masungit niyang awra at yung curve niyang pilik-mata ang cute lang.

Buong gabi ko pa siyang inisip hanggang sa nakatulugan ko na lang.

Kinabukasan, maaga akong gumising para ipagluto ng agahan si Papa. May duty siya kahit Sunday. Nang makaalis naman siya tsaka na ako nag prepare para magsimba. Kasama ko ang isa sa mga kapit-bahay namin na itinuring ko na ring lola.

"Ano na bang oras Vene? Makakaabot pa kaya tayo?"

"7:30 pa po."

Pumara na kami ng tricycle papuntang simbahan. Fifteen pesos lang ang pamasahe. Medyo malapit lapit lang din naman. Pagkababa inalalayan ko muna si Lola Caring na makababa. Mahina na kasi ang tuhod at may kataasan ang tricycle.

Sabay na kaming naglakad papasok ng simbahan. May iilang mga tao pa at hindi pa nagsisimula pero nasa ka
kalagitnaan na sila ng pagrorosaryo.

Pumili kami ng upuan na nasa gitna at kaliwang bahagi. Dun kasi ang gusto ni Lola Caring. Ayaw niya rin masyado sa harapan.

May mga sobre pang binasa tungkol sa mga kaluluwa at mga taong pumanaw na bago nagsimula. Nakatayo ako nun nung makita ko sa likurang bahagi si Gerald, ang crush ko nung senior high.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at takot nang gumawa ng kahit anong galaw. Baka makita niya ako. Kilala pa naman ako nito kasi magkaklase kami noon. Balita ko sa William na rin siya nag-aaral. Nagkikita kaya sila ni Rod dun?

Tsk, ba't ko ba tinatanong!?

"Vene, upo na."  Naramdaman ko ang paghila ni Lola Caring sa kamay ko. Daglian akong naupo at napahiya.

Baka nakita ako ni Gerald!? Sinubukan kong kumalma. Tsk, eto ang hirap sa may crush e kinakabahan. Anong gagawin ko!? Andito naman ako para magsimba pero hindi 'ata ako makaka-focus. Ba't kasi ngayon pa siya nagsimba. Kainis naman oh!

Sinubukan ko pang lingonin ang banda kung saan nakaupo si Gerald. Kasama niya ang mga parents niya at ang isang nakakatandang kapatid. Saglit na nagkatinginan kami ng ate niya at nagtataka itong nakatingin sa'kin.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Sana hindi niya ko kilala. Sana nga.

"Ayos ka lang ba Vene? Hindi ka 'ata mapakali? Ang likot mo diyan sa upuan mo," napatingin ako kay Lola pagkasabi niya.

"Ah...oo. La, magsi-cr muna ako."

Tsaka ako nagmamadaling umalis dun ng nakayuko. Mabilis ang lakad ko. Sana lang hindi ako napansin ni Gerald.

Nakahinga ako ng maluwag pagdating ko sa cr na nasa likod ng simbahan. Pero pagharap ko sa likuran ko may nakabungguan ko.

"Ayy hala soriii—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi na-starstruck ako sa kagwapuhan ni Gerald.

Shet!? Anong ginagawa niya dito?

"Hi, Chavez! Long time no see. Sabi na nga ba e ikaw yung sinabi ni ate."

Nanlaki ang mata ko,"..bakit?"

"Anong bakit?" Balik na tanong niya.

Lumunok ako ng malalaking laway. Hindi na talaga ako mapakali. Nakakakaba. Ikaw ba naman makaharap yung crush mo. Yung inadmire mo lang from afar pero ngayon nasa mismong harap mo na.

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon