"VENE, DITO NA KAYO NANG PAPA MO MAMASKO MAMAYA AH?"
Nakangiting tumango naman ako sa sigaw na yun ni Ate Van. Padaan lang ako sa bahay nila kasi papunta akong T-Homes. Inagahan ko na para ma advance laba na ako. Gusto ko kasi umuwi ng maaga sa bahay para iprepare kahit papa'no ang Christmas at konting noche buena.
"Sige po. Punta kami mamaya dyan," yun lang ang sinagot ko.
Tumuloy na ko sa TH. Dumaan lang ako saglit kay Papa bago pumunta sa mga Varcas.
Nagwawalis ang isa sa mga kasambahay kaya madali lang akong napagbuksan ng gate.
"Salamat po," napayuko pa ko sa pagbati.
"You're welcome. Pasok ka na sa loob."
Buti pa 'to mabait kesa dun sa isang kasambahay na bantay ni Nathan. 'Yong medyo suplada hehe.
Mahina kong tinulak ang front door pero pagtingin ko sa sala naagaw ko 'ata lahat ng atensyon nang mga nandun. Pati ako gulat at nanigas sa kinatatayuan. May nakita akong mga matatandang halatang mga foreigner at ang buong pamilyang Varcas. Nakaupo silang lahat sa pabilog nilang sofa at busy sa pakikipag-usap nang maistorbo ko.
Dumapo ang paningin ko sa singkit niyang mga mata. Nakataas na agad ang kilay nito at nang-aasar na mukha. Hindi ako makagalaw buti nalang madaling nakalukso mula sa kinatatayuan si Ate Nelia at hinatak ako papalapit sa mga taong sa tingin ko parents ng Papa ni Rod.
"Oh? Who's this lovely lady now?" Sabi ng matandang lalaki, mataba. Hindi pa nga ako nakakasagot pero parang dudugoin na ilong ko.
Mapapasabak 'ata ako sa gyera este-english speakining ngayon.
"Ateeeee Vene! Look oh my Papa Lo brought me an airplane! Whoosh!" Talagang kumapit pa sa'kin si Nathan bago nagtatakbo sa'kin. Sinubukan pang paliparin ang remote control niyang airplane kuno.
Nginitian ko lang ito kasi nakakahiyang mag english sa harap nila. Baka i-correct grammar ko. Bago pa makapagsalita ang kung sino sa kanila muling ginatungan ng babaeng matanda.
"Zander my dear grandson.. is she the one? The one you're pertaining to us in the video call? Is she your girlfriend?"
"Mama La, no." tanggi niya.
Kinabahan ako dun ah buti tinanggi agad. Awts gegeh peyn!
"Oh sorry Mama Papa. She's just our laundry girl and today is her duty to do the laundry." Paliwanang ni Ma'am Li.
"But it's Christmas Day you should let her rest in her house?" Yung matandang lalaki. Nahiya akong sumingit sa usapan nila.
"Hayaan mo na sila. Hindi ko rin naman sila maintindihan, Inday. Ano nga ba pinag-uusapan nila?" Bulong ni Ate Nelia sa tabi ko. Bale nakatago siya sa likuran ko-yung style niya.
Napabaling ulit ako sa nag-uusap na sila Rod.
"I already told Li last night, Mama." Sagot naman ng Daddy nila Rod.
Ang ibig sabihin nila ay dapat hindi na ko nag duty kasi dapat sa bahay lang. Pinag aawayan na 'ata nila. Bago lumala magalang na akong nagpaalam.
"Oh stop this already people. You're so noisy!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rod. Hindi naman siya nakatingin sa'kin at basta nalang umalis at umakyat sa second floor nila.
"Ah Ma'am, Sir maglalaba na po ako. Ayos lang naman sa'kin na maglaba ngayon." Napansin ko pa ang pagkainis ni Ma'am Li pero umaliwalas lang ang mukha niya at hinayaan akong umalis.
"Wait!" Napalingon akong muli sa kinauupuan nila. Pati si Ate Nelia napalingon na rin sa matandang amerikana na nagtawag sa'kin. Nagmadali siya sa pagtayo at kumuha ng kung ano sa may lamesa.
BINABASA MO ANG
Timberland Homes #1: Rodill Zander
Teen Fiction(TIMBERLAND HOMES SERIES 1) Rodill Zander, a handsome chinito is a Chinese-American resided in Timberland Homes where Vene's father work as a security guard. She used to go there after class to wait for her father and sometimes help the other worker...