Chapter 10: Nag-Chinese

72 63 21
                                    

"NOW IT'S ALREADY TIME FOR YOU TO GO HOME."

Wth? Tama ba yung narinig ko? Pa'no niya nalaman na oras na para umuwi ako. 

Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsara siya ng gate at walang sabing naglakad papasok sa bahay nila.

Kahit tulala kasi ginugulo pa rin sa mga sinabi niya kanina ay napilit ko nalang ang sarili kong maglakad pabalik kay Papa.

Hindi ko naabutan si Papa sa upuan niya sa labas ng bahay. Kaya tumuloy ako sa gate. Wala rin si Papa pero napag alaman kong may lakad sila ng boss niya at di pa nakakabalik. Pagod na pagod akong bumagsak sa isa sa mga monoblock chair doon.

"Oh, Ineng mukhang pagod na pagod ka? San ka galing?" Tanong ni Uncle Jun.

"Wala po. Dun lang," sagot ko at mabilis na nilabas ang bag para kunin ang notebook ko. Kailangan kong magstudy kasi starting tomorrow exam na namin sa finals.

"May quiz kayo bukas?" Patuloy niyang tanong habang nakaupo sa may di kalayuan sa'kin.

Hindi na siya nag abalang itaas baba ang bump kasi tinalian na niya ng bato para manatiling nakataas. This time sarado na rin ang exit na gate at nasa may bandang exit ako habang si uncle is nasa entrance banda.

Kasalukuyan akong nakatunghay sa notebook kong nakalapag sa mesa. Nirereview ko ang subject na Programming tsaka Introduction to Computing. Nahirapan pa ako kasi di ko talaga masyadong gets tong binary system na diniscuss noon.

While doing the programming. I used my phone to open the Cxxdroid which is an app that we used to create any kinds of program using C++ language. Wala naman akong pc kaya tiis tiis nalang muna sa phone. Gumagana pa naman. Tina-try ko lang ang mga simpleng project na na take note ko at nirereview na rin ang saved files na naging activities na namin noon.

"Opo. Finals na namin bukas kasi malapit na mag Christmas Break."

"Ganun ba. Oh sige mag review kang maigi dyan."

Hindi na ko nag abalang sumagot kasi kasunod din nun ay ang pagtunog ng cellphone niya. May tumatawag.

Busy ako kakabasa at kaka memorize nang dumating si Papa. Malapit na mag 8:00 P.M. kaya mabilis din akong tumayo para umuwi na kami. Hindi ako masyadong komportable dito mag study. Maraming distraction and I can't focus. Mas mainam nang sa bahay mag study wala masyadong ingay. Malayo naman kasi kami sa kalsada. Kailangan pang pasukin ang eskinita.

"Ang ganda na ng Plaza, nak. Opening na ngayong December 08. Baka gusto mong gumala?"

Kasalukuyan kaming nakasakay sa bus na aircon.

"Hindi na Pa. May exam kami nyan e. Actually bukas na nga ang start.." ng hellweek!

Hindi ko nalang tinuloy baka mag alala pa si Papa at baka isipin na tinatamad na akong mag-aral. Nakakahiya naman sa pagkakayod niya tapos ako basta basta nalang susuko. Kakayanin ko 'to nalang.

Gusto ko rin sanang umabsent bukas sa paglalaba. Gusto ko kasi diretso uwi sa bahay need mag study. Pero pa'no ba? Pa'no ko sasabihin sa Mama ni Rod kung kakasimula ko pa lang tas balak ko naman agad mag break. Kakahiya!

***

WALA sa sariling natawa ako.

"Oh, ba't ka tumatawa? Baliw ka na ba Vene?" Tanong ni Italya sa'kin isang umaga.

"Wala. May naisip lang."

"Tsh! Naisip? 'Kala ko ba nags study ka? Nakatitig ka pa nga sa notebook mo tas biglang tatawa wews nasisiraan na ng bait. Woi, para malaman mo dalawang subjects palang ang na exam natin, 6 more to go."

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon