"TAPOS NA RIN SA WAKAS!!"Masayang sabi ng mga kaklase ko kinahaponan, matapos ang klase namin. Nagpaalam lang kami ni Italya sa isa't isa at naglakad na ulit ako mag-isa. Busy ako kakatingin sa mga sasakyang dumadaan. May lollipop pa kong papak nung mga oras na yun at feel na feel ko talaga ang lakad ko. Hindi naman ako na boring kasi marami namang estudyante akong nakasabayan at papalubog na ang araw.
Yung ngiti ko abot-tenga sa kulay kahel na kalangitan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mapansin ko ang isang tindahan ng mga glass. May iba pang materials para sa bahay kung gusto talaga ng glass na bahay, pang-glass window, pang-glass na pinto at glass wall haha sobra na. Wala lang trip ko lang tingnan ang tindahang yun. May nakapaskil na pangalang 'CEM Construction' okay. Siguro yayayain ko si Papa dito kapag may hanap kaming gan'tong materyales.
Pagkarating ko sa Timberland Homes. Dumiretso ako sa bahay na pinagtatrabahuan ni Papa. Ewan ko ba bakit tinawagan niya ko kanina para padiretsohin sa loob. Puntahan ko daw siya.
Sobrang tahimik ng paligid. Iilang mga sasakyan lang ang dumadaan. Mga kotse at hilux. May iba ring motor. Dumaan ako sa gilid na may nakahilerang mga L3 na sasakyan. Mga mga driver sa loob nun kahit madilim na dun banda para bang may hinihintay.
Block 4 Lot 6!
Yun lang ang natatandaan ko sa sinabi ni Papa kung saan mismo siya nagtatrabaho. Yung bahay ng amo niya.
May block-block kasi bawat bahay at hanggang lot 19, yung hilera ng mga bahay.
Sinubukan kong hanapin buti nakita ko sa labas si Papa sa may kalayuan na para bang may hinihintay. Agad siyang kumaway sa'kin lumapit naman ako.
"Bakit?"
Tanong ko pero hindi man lang niya pinag -abalahan akong sagutin.
Sumunod ako sa kanya ng yayain niya ako sa loob. Nakita ko ang isang lalaking may balbas na parang may nililinis na kung ano sa sahig. Yung stove 'ata?
"Sir, anak ko nga pala." Pakilala ni Papa. So, ito pala yung sir niya? Ngayon ko lang nakita.
Bumati naman ako. Nginitian lang ako nito at parang inaasahan niya na ako.
"Naglilinis kasi kami ng kusina. Baka pwedeng magpatulong kahit sandali. Ayos lang ba?"
Napatango ako agad. Oo naman willing na willing akong tumulong. Wala naman akong ginagawa.
"Oo naman po. Walang problema."
"Sige. Pagkatapos bibigyan din naman kita ng konting pambaon mo," doon ko lang napagtanto na ang bait nga ng amo ni Papa gaya ng kinukwento niya.
"Kahit wag na po. Ayos lang."
Naglinis kami ng kusina. Hinugasan ang lutuan ng stove at itinapon ang mga hindi nagagamit na gamit sa kusina. Ang ending binigay rin sa'min. Kaya hanggang sa pag-uwi bitbit namin ang pinamigay na gamit ng amo ni Papa.
Hindi rin nakalimutan ni Sir na bigyan ako ng konting pera. Pambaon daw. Ayaw ko sanang tanggapin pero pinilit e. Wala naman akong nagawa. Tatanggihan ko pa ba ang grasya?
"Pare, mauna na kami." Paalam ni Papa kay uncle Jun. Nagpaalam na rin ako.
Sumakay kami ng bus nung gabing yun para makatipid. Bumili na rin kami ng konting makain sa tindahan na malapit sa'min. Nung may nadaanan kami.
Sabado. May pasok kami hanggang 4:30 ng hapon. Minadali ko na ang pagbibihis at umalis na. Ilang minuto na rin mula ng makaalis si Papa para pumasok sa trabaho. Sakto paglabas ko sa may kanto may nakita akong tricycle at pumara nako.
BINABASA MO ANG
Timberland Homes #1: Rodill Zander
Teen Fiction(TIMBERLAND HOMES SERIES 1) Rodill Zander, a handsome chinito is a Chinese-American resided in Timberland Homes where Vene's father work as a security guard. She used to go there after class to wait for her father and sometimes help the other worker...