Chapter 5: What are you doing?

103 78 17
                                    

"SERYOSO KA, VENE? SIYA NA YUNG KINUKWENTO MO?"


Bulalas niya. Tumango ako at mas humalukipkip sa hiya na baka tumingin pa sa gawi ko si Rod.

Naramdaman ko nalang pinagkukurot na ako ni Italya.

"You're so unfair! Kulang na kulang yung kwento mo. Ang gwapo nga niya ang unfair mo ba't ka nagsosolo. Ang gwapo niya, hatian mo rin ako noh!?" Mataray na bulong niya.

"Shh! Manahimik ka nga. Mamaya marinig pa tayo ng katabi natin," maingat kong tiningnan ang mga taong naka upo rin malapit sa'min. Mukhang wala namang pake kasi mga nasa 20+ na na mag jowa at may sariling mundo. Buti naman, sa ingay ba naman ng walangyang Italya na 'to.

"Seryoso ka ba talaga? Hindi ba yan anghel na hinulog galing sa langit?"

Napairap ako sabay natawa ng mahina.

"Oa na ha, Italya!? Anong anghel diyan e para nga yang mais sa buhok ba naman niyang yellow."

"Uyy, hindi ah kahit na kakulay ng buhok ng mais. Tingnan mo siya pa rin ang pinaka-attractive."

"Attractive!? Tsh!"

"Oh hindi ba? Ba't mo naging crush kung hindi attractive?"

Doon na ako nanahimik sa tanong niyang nonsense. Pero oo nga ano. Ba't ko nga ba sinabi na crush ko ang lalaking yan. E, sa nagdo-joke lang ako. Sineryoso naman.

"Joke nga lang diba?" Sabi ko kay Italya pero ang babae hindi na nakinig panay ba naman ang titig.

Pagtingin ko sa grupo nila Rod. Papalabas na sila ng tindahan bitbit ang binili nilang milktea. Niyaya ko na rin kalaunan si Italya na umuwi. Panay pa rin ang bulyaw niya sa'kin kung bakit daw hindi ko siya sinama sa Timberland Homes nang ma-meet niya rin si Rod. Aba e malay ko ba na ganyan pala siya maka react tsaka isa pa sinusundo naman siya at ibang daan ang bahay nila. Hindi talaga siya magagawi sa Timberland kasi lalayo pa ang Papa niya sa pagsundo sa kanya.

Buti naman kalaunan ay natahimik din siya at pinasakay ko muna pauwi sa kanila. Ako naman sumakay na rin ng tricycle papuntang Timberland Homes. Alas dos pa ng hapon at ang taas ng sikat ng araw. Ang init pa rin sobrang nakakapaso kapag natamaan ka ng araw.

Nagpahinto na ako sa harap ng gate. Nagbayad na ako at tumuloy sa gate. Naabutan ko doon si Uncle Diego na siyang naka-duty ngayon. Iniwan ko nalang saglit ang gamit na pinamili ko dun. Wala namang gagalaw dun bantay sarado ni Uncle. Pinuntahan ko muna si Papa at bago makapasok sa bahay ng amo ni Papa hindi maiwasang hindi ako mapatingin sa gawi kung saan ang bahay nila Rod.

Ano bang tinitingin-tingin ko!? Nailing ako at tuluyang ng pumasok. Nagmano ako sandali kay Papa at binigay ang binili kong Milktea para sa kanya. Ang flavor ay Coffee Cheesecake kasi mahilig siya sa kape.

"Ano 'to?"

"Binili ko. Tikman mo yan masarap," tsaka ko naikwento na dumaan kami ni Italya dun at binilhan ko na rin siya.

Bumalik din ako agad sa gate. Kasi wala namang pinatatrabaho ang amo ni Papa. Natulog daw balik lang ako mamaya mga alas kuwatro ng hapon. Umidlip lang ako sandali sa may mesa matapos kung makailang ulit na nagtaas ng bump sa entrance o di kaya exit.

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon