Note: This chapter contains grammatical error😶
***
FB Post:
Pitong magkaklaseng College Student ng DSU, patay matapos malunod sa Five King's Resort.
Sa nasabing salaysay ng mga magulang ng mga biktima ay ang iba ay hindi raw nagpaalam na tutungo sa nasabing resort habang ang iba naman ay nagpaalam pero hindi nila inaasahan na madadatnan na nila itong walang buhay.
Ang sabi naman sa salaysay ng mga kasamahan nito sa gitna ng kasagsagan ng ulan ay nagsasaya ang mga magkaklase sa nasabing swimming pool na may lalim na 12 feet deep at bigla nalang naghilahan dahilan para madamay ang iba.
Sinubukan mang iligtas ng iba pero kahit sila ay nadamay at kasama na sa nasawi habang ang iba naman ay natatakot na baka mahila rin at tanging pag-iyak nalang ang nagawa.
Madaling dinala sa hospital ang mga biktima pero idineklara pa rin itong dead on arrival ng nasabing attending physician.
Sa ngayon nasa St. William Funeral Homes ang mga katawan ng biktima.
Hanggang ngayon wala pa ring nilalabas na statement ang manager nang nasabing resort. Para sa karagdagang detalye maging updated sa DTX47 News.
via Reo Quinto
DTX47 News| May 05, 202?-Comment Section-
The following names belong to the unlucky students who fell victim of drowning at the said resort:
Jeecyl Leanne Zamora
Marie Joice Jonson
Ariel Maelyn Baguio
John Jonas Jikolo
Gian Tyron Sanderio
Damiel Josh Francisco
Joliper PalacainTahimik akong nakatunghay sa tinitignan ni Italya na post sa cellphone niya. Kumalat na ang balita tungkol sa aksidenteng nangyari kanina. Tsaka niya tinigilan ang pag scroll sa mga comments na puro naman batikos at yung iba walang kwenta. May ibang nakikiramay, may nagsabi na condolence to the bereaved family at 'yong iba halatang naki-chismis lang. Matapos niyang ibaba ang cellphone ay sabay kaming napahinga ng malalim. Mahina kong isinandal ang ulo ko sa balikat niya dahil sa nararamdamang pagod.
Alas singko trenta na ng hapon at makulimlim pa rin ang kalangitan sa labas subalit wala ng ulan.
Nakaupo kami sa waiting area ng kinaroroonan naming hospital na pinagdalhan sa'min.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Himala rin na humihinga pa ako ngayon at 'yon ay malaking ipinagpasalamat ni Italya. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang nawala ang pito sa mga kaklase ko. Out of 25 nabawasan kami ng higit sa dalawa.
Kokonti nalang ang naiwan dito kasama namin. Ang ibang hindi naman nadali sa pagkalunod ay sinundo na ng maaga ng mga magulang nila. Naghihintay nalang rin kami pareho ni Italya ng sundo.
Nag-text na rin si Papa na manatili muna ako rito sa hospital kasi pupuntahan niya raw ako. Nabalitaan nga niya agad. Ah hindi! Tinawagan nga pala sila ng mga pulis nung pinuntahan kami ng mga 'to.
"Ayos ka na? Maginaw ba?" I heard Italya asked but I remained still looking into the shiny floor.
Napakurap kurap ako dahil sa mga paang nakikita kong dumaan. Mga nurses nitong hospital.
BINABASA MO ANG
Timberland Homes #1: Rodill Zander
Teen Fiction(TIMBERLAND HOMES SERIES 1) Rodill Zander, a handsome chinito is a Chinese-American resided in Timberland Homes where Vene's father work as a security guard. She used to go there after class to wait for her father and sometimes help the other worker...