Chapter 9: Who are you?

93 67 27
                                    

"SIYANGA PALA, VENE DIBA PANGALAN MO.. AH INDAY NA NGA LANG! KUMUSTA NA ANG TITA MONG BIGLA BIGLA NALANG UMALIS NA NAKIPAGTANAN PALA SA JOWA NIYANG TAGA PASAY?"

Kasalukuyan na akong naglalaba sa bahay nila Rod ngayong gabi. Ngayon na ako nag start at hindi naman ako naboring kasi mula't sapul pinupuntahan ako ni Ate Nelia para makipag chikahan sa'kin.

Kaagad na napalagayan ang loob namin. Nalaman ko rin ang nangyari sa pinalitan kong labandera sa bahay na 'to.

"Galit na galit ako. Wala man lang siyang pasabi na aalis. Muntik na sana akong madamay buti naman nag-text siya na may pamangkin siyang ipapalit at ikaw 'yon."

Hindi nalang ako umimik. Nakaka-guilty. Alam ko namang sa sarili ko na hindi ako ang tinutukoy na pamangkin nung labandera dito noon. Napagkamalan lang ako. Kung hindi ba naman ako hinila nitong si Ate Nelia ng biglaan wala sana ako dito.

Biglaan din pala ang alis nung labandera dito dahil nakipagtanan daw nitong mga nakaraan sa ka long distance relationship nito. Nalaman ko rin na nang dahil lang sa text sila nagkakilala. Kay Ate Nelia lahat ng yan galing. Sinasabayan ko lang siya. Wala na akong ibang magawa. Nahihiya na rin akong tumanggi na hindi talaga ako 'yong pamangkin na kapalit nung labandera. Aksidente lang e kung ba't ako nandito.

"Inday, nakikinig ka ba?" Untag niya sa likuran ko.

"H-Ha?"

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Kasalukuyan siyang tumutulong sa pagha-hanger ng mga natapos kong puting damit. Ngayon sa de-color naman ang sinisimulan ko.

"Oo naman hehe.."

Mula sa pagkakalingon sa kanya. Ibinalik ko ang paningin sa kaharap kong washing machine at mas lalong namula sa hawak kong brief na alam kong pagmamay-ari niya.

Bench ang nakasulat sa may garter. Color Gray. Mamahalin. Expected na.

What if amoyin ko kaya 'to?

Shet! Ano bang pinagsasabi ko? Pero hindi ko maiwasang mamula. Knowing na sinuot niya 'to hindi ko lang alam kung kahapon ba o kanina. Basta. Ano ba!?

"Hoy, ano ba? Ba't di ka nasagot?" Hindi ko namalayan na sumilip na pala si Ate Nelia sa hawak ko.

Muli akong namula ng manukso siya.
"Wag mong subukang pagnasaan ang brief ni Sir Rod. Magkakasala ka niyan, sige ka. Ano? Ba't ka namumula?" Muling usisa pa niya.

Umiwas ako ng tingin at tuluyan ng inilunod ang brief sa umiikot na washing machine. Tinakpan ko na ito at bahagyang lumayo sa mapanuksong kasama.

Tatanda na marunong pang manukso. Meet Ate Nelia Lumato. Nasa early 30's. Matagal na namamasukan dito. Pamilyado at minsanan lang makauwi sa Bukidnon. Yes, galing Bukidnon daw siya at napakadaldal niya.

Palagi akong binabalikan pagkatapos niyang magtrabaho sa kusina. Nagpapasalamat pa rin ako kasi tumutulong naman siya sa pagsasampay kahit papa'no. Siya lang ang bukod tanging kasambahay na nakikipag bonding sa'kin through laundry.

Malapit na akong matapos kaya umupo muna ako sa may maliit na plastic stall. Nasa may banyo kami, pero meant for laundry area talaga to. Ang laki at tiles ang sahig. Minsan nakakatakot magpalakad lakad baka madulas ako at mamatay. Joke! Sa sobrang laki nga ng laundry area na 'to daig pa bahay namin. Ganun talaga kapag mayaman ang may-ari.

Naglaro muna ako ng bula na nakaumpok sa may baldeng pinag-iponan ko ng sabon. Habang si Ate ayan nakapamewang na sa harap ko na may nanunuksong tingin pa rin.

"Hula ko.. di mo pa nakikita si Sir Rod pero bakit feeling ko mukha ka ng interesado?"

Hindi nakita? Haha kalokohan.

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon