RICHARD CHAVEZ POV
HUMINTO malapit sa'min ang isang puting SUV. Bumusina pa ito ng isang beses na parang nagsasabi na buksan na namin ang bump ng makapasok na sila.Pero kagaya ng habilin nila Madame at Sir Rey. Huwag magpapasok ng hindi taga Timberland. May sapat na rason naman siguro kami dahil hindi rin naman pamilyar ang plaka at sasakyan nitong bagong dating.
Isa pa, may sinabi rin si Sir Bao na posibleng may maghanap sa kanya. Bilang guwardiya tungkulin naming bantayan ang Gate at gampanan ang trabaho namin. Ibig sabihin nun kapag sinabihan kami ng mga amo namin sa loob ng Homes na 'to, susundin namin ng walang pag aalinlangan.
"Tara lapitan nalang natin," tinanguan ko lang si Jun sa yaya niya.
Pero bago pa kami tuluyang makalapit. Bumukas ang pinto kung saan katabi ng driver.
"Ba't hindi pa binubuksan?" Nakakunot noong tanong nung lalaking nakaitim at ang talim kung tumingin.
Naaninag ko pa sa ilaw galing sa guardhouse ang itsura nito. May mataas na baba at mabutong pisngi. Gumagamit 'ata ng bawal na gamot?
"Ah, Sir magandang gabi ho! Pero sino po sila? Ano pong kailangan nila?" Si Jun na ang unang nagsalita.
"Bawal po kasi pumasok kung hindi taga Timberland, Sir. Utos yon ng may-ari. Hindi rin pamilyar ang plate number.. ngayon lang namin nakita?"
Bago pa namin marinig ang sagot ng lalaking 'yon. Nakita kong lumingon siya sa likuran niya. Tinted ang bintana kaya 'di kita kung sino ang taong nilingon niya.
"Who's that? What's the problem? Ba't hindi pa tayo pinapapasok?"
Dinig naming sabi ng kung sino dahil nakabukas ang bintana sa harap kung saan 'yong lalaking kumausap sa'min kanina.
"Open it!"
Kalaunan bumukas ang bintana ng likurang bahagi. Bahagya naming magkasabay na sinilip ni Jun.
Nakita namin ang isang lalaking mukhang nasa edad na trenta. Singkit ito at mukhang may lahi ring instik. Naka-salamin at may madilim na awra.
"What's the problem, securities?" Seryoso nitong tanong.
"S-Sir?"
"Ba't hindi pa kami pinapapasok?"
"Baka siya na 'yong sinasabi ni Sir Bao pare.." bulong ko kay Jun iyong sakto na hindi kami maririnig.
"Ah, Sir hanap niyo ba si Sir Bao? Wala po siya e. May nilakad at hindi namin alam kung kelan ang balik." Sinabi ko na agad para hindi na 'to magpumilit pa na pumasok.
Gulo lang ang dala nito e panigurado.
"The hell with Bao!?" Bigla siyang parang nagalit at kinabahan kami dun. "I'm going to the Varcas-Smith residence. Sinasayang niyo oras ko now papasukin niyo na kami! I have nothing to do with that Bao!"
"Pero Sir, hangga't walang tawa-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng iharang ni Jun ang palad sa harap ng mukha ko.
"Tatawagan muna namin si Madame, Sir! Makahihintay po ba kayo ng ilang minuto?"
Hindi ito sumagot at pinasara ang bintana. "Gawin niyo na, nagmamadali kami." Iyong lalaking nasa tabi ng driver ang nagsalita.
Mukhang bigtime 'yon ah?
Akala ko 'yong tinutukoy ni Sir Bao na 'yong dumating. Buti naman at bisita lang ni Madame. Nagkamali kami, muntik na 'yon.
BINABASA MO ANG
Timberland Homes #1: Rodill Zander
Teen Fiction(TIMBERLAND HOMES SERIES 1) Rodill Zander, a handsome chinito is a Chinese-American resided in Timberland Homes where Vene's father work as a security guard. She used to go there after class to wait for her father and sometimes help the other worker...