Chapter 15: Peace

73 55 26
                                    

"WEH? SURENESS SA GANDA MONG 'YAN HINDI KA TALAGA NAGKA-JOWA AT WALA MAN LANG NANLIGAW?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Ate Mica habang kasalukuyang nakatalikod sa'kin at nagkukuskos ng mga hugasin. Tutulungan ko sana siya kaso sabi niya ayaw na ayaw niyang may tumulong sa kanya. Ang ginawa ko nalang ay makipagkwentuhan sa kanya habang nakaupo sa isang silya na nandun. Nasa likod bahay ang kusina nila kaya malaya kaming makakapag-ingay. Ang parehong amo nila ay nasa loob kasama ang mga anak nito nanonood ng TV.

Tatango-tango ako habang natatawa sa likod,"..oo nga! Mukha ba akong nagsisinungaling?" Napaturo pa ako ng bahagya sa mukha ko.

"Hindi naman sa ganun. Hindi lang talaga kapani-paniwala. Mahirap paniwalaan tapos!"

"Ate naman.. oh syanga pala. How about you? May jowa ka ba ngayon?"

Dun niya ko bahagyang nilingon nang nakangiti. Alam ko na agad ang sagot.

"Yes, kaso ldr and never pa kami nagkita pero always kami nagv-vc." Kindat niya sa'kin.

"Ayy iba ka! Wala ka bang balak makipag-meet?" Tumawa ako ng malakas.

"Meet? Isipin mo kilo-kilometrong layo imposible. Atsaka isa pa pag-aaralin daw ako ni Sir diyan sa syudad. May alam ka bang magandang school para senior high?"

Medyo matagal ko nang alam na High School pa lang natatapos ni Ate Mica noon dahil sa kakapusan sa pera at sa dami raw nilang magkakapatid hindi na matustosan ng magulang niya. Kaya nga nandito daw siya at nagtatrabaho nalang. Masaya akong marinig na mag-aaral na pala siya next school year. Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan namin at natitigil lang nung dumating ang amo nila para magtapon ng kalat. Nasa banda kasi namin ang basurahan at tinanguan niya lang kami bago pumasok ulit.

Umuwi kami ng gabing yun ng matiwasay. Nagpapasalamat ako na walang masamang nangyari sa mahal ko sa buhay ngayong araw. Napaka-thankful ko for another day. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi malungkot. Hindi ko siya nakita buong araw. Erase! Erase! Hindi naman big deal yun diba? Pero parang namimiss ko pa rin kahit na konti.

Kasalanan ko rin naman. Hindi ako pumasok at nagdahilan na masakit ang ulo. Nagtext lang ako kay Ate Nelia at sinabi naman niyang siya na bahalang magsabi kay Ma'am Li. Bukas ko nalang siguro iisipin yun. For now I wanna put myself into slumber.

"U-Uh good evening Sir," bahagya pa akong napayuko tsaka nag iwas ng tingin.

"Why didn't you come here yesterday?" Nagulat ako sa seryoso niyang tanong.

"A-Ah may lagnat kasi ako-"

"What?! Then ba't ka pa pumunta dito?" Hindi na ako nakaiwas nang ilapat niya ang palad niya sa noo ko.

Shet! Joke lang kasi yun.

"Uminom na ako ng gamot kaya medyo wala n-na hehe.." palusot ko.

Tinitigan niya lang ako ng masama at iniwang nakamaang sa gate. Hindi man lang ako inimbitahang pumasok.

Ako na ang nag lock sa gate tsaka pumasok sa main door. Naabutan ko sa sala iyong Papa nilang foreigner tsaka si Nathan na nagtatakbo habang may hawak na airplane.

"Good evening Sir," yumuko pa ako ng bahagya kasabay ng pagbati nung mapalingon siya. He just nodded and smiled tsaka pinatigil si Nathan sa pagtakbo baka daw madapa.

Feeling ko naman wala pa si Ma'am Li kasi malalaman ko kung nandito siya sa bahay nila kasi makikita ko agad. Siguro nasa trabaho pa at.. naalala ko ulit si Rod.

Where did he go? Umakyat ba sa kwarto niya o nasa kusina?

Umalis na rin ako sa may bandang sala at nagtuloy sa may kusina kung saan daanan papuntang laundry area. Hindi ko na kailangan pang sumilip kasi si Ate Nelia na ang kusang lumabas sa kusina na parang kakatapos lang sa ginawa.

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon