Chapter 12: Halikan

73 59 26
                                    

"TULUNGAN NA KITA, CHAVEZ!"

Kasalukuyan akong hinaharot ni Gerald ngayon sa likod-bahay nila Ate Van kung saan ako naglalaba. Nakalimutan ko palang sabihin na kapatid nga pala siya ng asawa ni Ate Van. Nataon na dumalaw dito at araw pa talaga ng Linggo kung kelan ako naglalaba. Yan tuloy kilig na kilig na 'yong heart ko.

Bakit ba kasi siya nandito? Pwede namang sa loob nalang siya tumambay noh?

"Sige na, Chavez! Para di ka masyadong mapagod. Ako na magbabanlaw nang mga natapos mo." Nag beautifull eyes pa siya.

Ang cute cute! Kung di ko lang napigilan ang sarili ko baka nakandong ko na 'to para bebeyhin.

"Wag na Gerald. Kaya ko na 'to. Pasok ka nalang sa loob baka hinahanap ka na ni Ate Van."

"Hindi yan. Nagbebake siya kaya hindi ako hahanapin nun. Ngapala kain tayo maya ng cake ah? Manghihingi ako, hati tayo."

Ang harot talaga. Nakakainis. Yan tuloy napapangiti ako ng kusa.

"Hindi ka naman ganito noon Gerald.."

"Ha?"

Automatic na napalingon ako sa kanya. Na voice out ko na naman ba? Kainis!

"Uh, I mean.." shet nahirapan pa ko kakakapa kung san ba mangunguha ng explanation.

"You mean..?" Marahan siyang lumapit sa'kin. Nakaharap ako sa washing machine na umaandar at bale nakatagilid ako sa kanya.

"Hindi ko na-realize noon na ang ganda mo pala sa malapitan?"

As in? Malapitan lang maganda? Sa malayo ba hindi? I'm upset.. really really upset!

Nang biglang parang lumakas ang ikot ng washing machine at nagluksuhan ang mga bula dahilan para matalsikan ako sa mukha at braso. Maagap kong napahid ang bulang napunta sa mukha ko. Pero huli na nung ang nasa braso ko na sana ang aalisin ko. Naunahan na niya ako.

Para akong nakuryente sa ginawa niyang paghaplos sa kaliwang braso ko. Inalis ang bula na para bang ang hirap nito tanggalin. Dala kuskos kasi at ang harot ah ang lagkit ng tinginan niya.

Gerald, tama na please hulog na hulog na'ko!

"Ayos ka lang?"

Imbes na sagutin napangiti ako ng wala sa sarili. Kinikilig. Ano ba Gerald? Tama na! Kapwa kami nakangiti sa isa't isa at muli niyang hinaplos ang braso ko. Nakasuot ako ng Jersey na luma iyong bigay pa nang pinsan ko noon kaya ramdam na ramdam ko talaga ang balat niya.

Hindi ko na tuloy alam kung anong sunod na ikikilos. Parang bantay sarado kasi ako. Isang maling galaw baka magdala sa'kin sa ikakikilig ko. Ang lapit na ng mukha niya. Tengene!

Sa sitwasyon pinagsawa ko nalang din ang mata kong titigan ang mukha niya. Lahat ng details copy kay James Reid ang datingan. Ang ganda ng ilong. Nakakainlove talaga.

"Ge, ibili mo nga ako dun ng itlog. Naubos na pala yung sa ref."

Bago pa makasilip si Ate Van. Mabilis ko na siyang naitulak dahilan para mapaupo siya sa basang sahig. Nag panic ako sa ginawa at siya namang pagdungaw ni Ate Van sa pintuan.

"Oh my God! Nadulas ka ba? Tumayo ka dyan Ge! Anong nangyari!?"

Madali naman siyang nadulugan ni Ate Van. Habang ako guilty na nakatayo katabi ang washing machine na umiikot.

"Wala, Tita. Nadulas lang hehe ang dulas kasi.."

Hindi ko na magawang tingnan siya sa hiya. Ba't napalakas ko 'ata?

"Yan ang sabi ko sa'yo e. Wag ka na kasing tutulong dito. Manggugulo ka lang kay Vene. Ayan tingnan mo nangyari sa'yo nadulas ka. Deserve!" Asar nito sa kanya.

Timberland Homes #1: Rodill ZanderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon