Chapter 1

328 5 0
                                    

Hillary

"Lali, bakit ka ba nagtatago riyan?" tanong ni Loti sa akin.

"Huwag kang maingay nariyan kasi sila Riyu, tara punta tayo." hinila ko siya pero ayaw niya magpatinag.

"Hoy makakasira tayo ng privacy nila Kuya Riyu at ate Megan. At ikaw ha bakit Riyu lang tawag mo sa kaniya kapag tayo lang magkasama, hanggang ngayon ba crush mo pa rin siya?" tanong ni Loti.

"Wala naman nagbago, simula ng lumipat sila sa village namin hindi na nawala ang pagtingin ko sa kaniya."

"Lali, may girlfriend yung tao atsaka 2nd year college palang tayo silang dalawa ay 4th year na. Ah baka siguro kapag naka-graduate na sila, makakagraduate ka na rin sa nararamdaman mo?"

"No way! Hindi mangyayari 'yan kasi gusto ko si Riyu lang,"

"Nababaliw ka na talaga, Lali. 4 years na silang magka-relasyon tapos sisingit ka riyan."

"Ako ang bahala, Loti. Nakaisip na ako ng paraan kung paano ko siya mapupunta sa akin." nagtaas ng kilay si Loti.

"Nahihibang ka na talaga Lali, alam mong napakabait sa'yo ni kuya Riyu, kaya kung ano man ang iniisip mo itigil mo na 'yan."

"Kaya nga iyon ang dahilan e kaya mas gusto ko na mapasa-akin siya kasi mabuti siyang tao, mabait, man of his words, at may prinsipyo ayon ang mga ideal ko sa lalaki."

"Hay nako, Lali basta pinagsabihan na kita riyan ah. Nasstress ako sa'yo ipagpatuloy mo na nga lang ang paggawa ng plates sa room, huwag na dito sa café,"

"Mommy!" napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ng anak namin na si Ariyana o Ariya. Naalala ko na naman kasi ang nangyari limang na taon na ang nakakalipas. Kung paano ko hinabol ang asawa kong si Riyu, at kung paano ko ito taahasang inagaw kay ate Megan. Four years na rin kaming kasal, yes. We're married not because of love, but because of lust, responsibility, and my wrongdoings.

"Mommy, we're back ni Daddy!" nasa kusina ako ngayon at nag-aantay sa kanila. Nakasunod kay Ariya si Riyu, siya ang palaging nagsusundo sa anak namin at ako naman ang taga-hatid. Kinder 1 na kasi ito, license engineer na si Riyu, samantalang ako nandito lang sa bahay hindi ko natupad ang pangarap ko na maging engineer nabuntis kasi ako at mas nagpokus lang sa pag-aalaga sa anak namin.

"Hi baby, how's school?" binuhat ko si Ariya at nilagay sa kitchen table, at hinalikan sa pisngi.

"Mommy, look. Meron akong stars very good daw ako sabi ni Teacher sa drawing-drawing po. Kaya Daddy treat me sa Mall." ah kaya pala mejo matagal sila nakauwi.

"Wow, keep up the good work, baby." naging busy na sa pagtingin sa stars niya sa kamay si Ariya kaya naman sinisimulan ko nang tanggalin ang school uniform niya ng may maramdaman ako na kumapit sa bewang ko, apat na taon na kaming kasal pero naga-adjust pa rin ako sa nararamdaman ko. Siguro kasi dahil hindi niya naman talaga ako, mahal?

"Let's eat outside?" he kissed my cheekbone. Napatikhim ako.

"Nagluto ako e, pero p'wede naman kayo nalang ni Ariya? Itatabi ko nalang yung niluto ko?" mahina kong sagot.

"It's okay. Sa dinner nalang tayo kumain sa labas. Do you like the idea my little Ariyana?"

"Yes, Daddy." sagot naman ng anak namin.

"Akyat na ako magpapalit lang, sabay-sabay na tayo kumain." iniwan niya na kaming mag-ina niya sa kusina at umakyat nasa kwarto.

Siguro kung tatanungin niyo ako kung sino ang mas mahal niya sa aming dalawa? Sigurado akong si Ariya lang, dahil wala naman kasalanan si Ariya sa nangyari five years ago, baka kamuhian pa nga ako ng anak ko kapag nalaman niya na inagaw ko ang Daddy niya sa greatest love nito.

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now