Chapter 8

170 2 1
                                    

Riyu

"Table for two." ani ko sa front desk.

"May reservation po, Sir?"

"Ah, yes. Ariyu James Monteralba, I'm with my wife."

"Good evening, Ma'am." bati ng front desk kay Lali na kinangiti at tango ng asawa ko.

"Okay, nakita ko na po kayo. Diresto po kayo sa VIP table."

"Thank you." hinawakan ko na ulit sa bewang si Lali at dumiretso sa VIP table.

"This is too expensive, Riyu." mahinang bulong niya.

"You deserve it." I whispered.

Umupo na kami at nagorder alam ko naman na kung ano ang order ko 'yon din ang sa kaniya. Pero tinanong ko pa rin siya, thank God dahil nagsabi siya kaya ginaya ko kung ano ang gusto niya. I also ordered the year 2019 wine, the year we had Ariya. Lumaki pa nga ang mata niya kasi kahit hindi ko iexplain maiintindihan niya agad.

Natapos na kami kumain, nakita ko siyang nagpunas ng labi at alam ko na may sasabihin ito.

"Thank you for this, Riyu. Kapag nagkaroon na ako ng trabaho, ako naman." mahina niyang sabi, and I smiled.

"Of course, wifey. Pero for now all our expenses is on me. Hm? You don't have to pressure yourself na magkaroon agad ng trabaho, Ariya needs you. I need you. And hindi naman kita pinipilit na huwag magtrabaho, or kung gusto mo magtrabaho. I need you to make your own decision too for our family."

"Thanks, Riyu."

"Welcome, love." nanlaki ang mga mata niya, ugh. sobrang ganda mo though feeling ko ibang Lali ang kaharap ko ngayon, pero balik-baliktarin man ang mundo asawa na kita.

After namin kumain, lumabas na kami agad ng restaurant gusto ko kasi siya dalhin sa pinagawa kong bagong business, alam kong nagtataka siya kung bakit hindi ako nanghingi ng bill, ginawa ko 'yon para hindi siya manliit sa sarili niya. Ang totoo niyan bayad na yung mga kinain namin pagpunta palang namin doon.

"Aah Riyu..." nagkamot siya ng batok at hindi tumitingin sa akin. So cute.

"Hindi tayo nagbayad? Kung gusto mo dala ko yung card ko rito iiwan ko muna?" akmang papasok na siya nang hilain ko siya sa bewang papunta sa akin.

"Darling, ako hindi magbabayad? Nagbayad na ako, bago pa tayo pumunta rito. You don't have to worry." I kissed her forehead.

"Gano'n ba? Akala ko kasi mababalita tayo sa tv na sikat na Engineer at asawa niya nag-eat and run." napanganga nalang ako sa sinabi ng asawa ko.

"At talagang naisip mo 'yan?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Sorry." she almost cried, but I held her hand and bring it to my lips.

"No sorry, darling. It's okay I understand you very well. It's normal reaction, my love. It's my fault hindi ko sinabi kaagad sa'yo." I kissed her hand.

"Pero hindi lang 'yan ang hindi ko sinabi sa'yo, kaya papangunahan na kita don't be mad." ani ko.

"What did you do?"

"Remember what I told you two weeks ago? na I want to have another business aside from my company?" she nodded and make sure that she pay attention to what I'm saying, cute.

"I made it last weekend, and it's boom. Nagustuhan ng mga tao. And I want us to visit it."

"Okay." she smile, and I smile too.

Nasa BGC na kami, at hindi bobo ang asawa ko para hindi malaman na BGC 'to madalas siya rito noon, madalas siya uminom dito, at ako ang pinapasundo sa kaniya ng Mommy niya and I'll make sure na sober na siya bago pa makauwi ng house nila dahil kapag nalaman na lasing siya lagot siya sa Daddy niya. See the difference, kung hindi ko siya na buntis siguro ang Lali na 'yon ay hindi magbabago I missed the hyper, and talkative Hillary before. And to be honest, the Lali before and the Lali now, ay parehas kung gusto.

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now