Chapter 3

214 2 0
                                    

Riyu

"Lali, pinaiiyak mo ako." papasok na sana ako kaso narinig ko na nag-uusap sa cellphone si Lali at Loti.

"Hush. Huwag kang umiyak aawayin ako ni Ben."

"Alam ba ni Riyu 'yan?"

"Nope. Kaya tulungan mo ako kapag nagipit na ako. Riyu, is kind, hardworking, the man of his words. The perfect daddy for Ariya, pero he doesn't deserve me. He deserve someone yung gusto niya talaga, at hindi ako 'yon. Hindi ako bulag, Loti. Sa tagal na naming nagsasama sa iisang bubong, I can feel it na napipilitan lang siya. Kaya in the near future ibibigay ko yung matagal niya ng hinihintay ang umalis ako sa buhay niya." parang may napunit na kung ano sa aking dibdib na hindi ko alam, sa limang taon na kasama ko siya hindi man lang dumaan sa isip ko yung mga sinasabi niya. Na gano'n na pala ang iniisip niya? Na gano'n pala ang naipararamdam ko sa kaniya.

Teka aalis siya?

"Lali!" rinig ko ang iyak ni Loti sa kabilang linya.

"By the way, Loti. Nag-uusap pa rin ba kayo ni Mommy?" her parents. I'm sure miss na miss niya na ang mga ito, five years na rin ang nakakalipas ng i-disowned siya ng daddy niya because I got her pregnant habang may ka-long term relationship ako.

"Yes, nakapagusap kami last weekend. Miss na miss ka na niya kaso ang Daddy mo pinagbabawalan talaga ang Mommy at kapatid mo na makita ka."

"Okay lang, Loti, ang mahalaga maayos sila. Yung usapan natin ha. Kunwari wala na tayong connection, at hindi mo alam kung nasaan ako. Pero ako bigyan mo ako ng update ng about sa kanila." naiiyak na sagot ng aking asawa.

"Oo naman, Lali. I miss you, Lali. Gusto kitang yakapin ng mahigpit ngayon."

"Ako rin, sige na aalis na siguro kami 6pm na e baba ko na a. Mag-iingat kayo ni baby,"

"Ikaw din diyan, Lali. Pakumusta nalang ako sa asawa mo, at Ariyaboo. Bye!" pagkatapos maibaba ni Loti ang tawag, agad-agad na pumasok si Lali sa loob ng cr at nagbukas ng shower. Ganito ba palagi ang nangyayari kapag umiiyak siya.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa kama kunwari na lamang ay inaantay ko siya. Pagkatapos ng sampung minuto na pag-iyak sa cr lumabas na ito na nagpupunas ng mukha wala na ang pamumula sa mga mata niya siguro ay naihilamos niya na.

"Oh, tapos na kayo maglaro ni Ariya?" tumikhim ako.

"Yes, nasa sala siya nanonood. Ikaw tapos ka na ba?"

"Oo, maglalagay lang ako ng sunscreen tapos lipstick then tapos na ako. Paantay nalang ako sa baba." nilagpasan niya na ako at umupo sa vanity mirror niya tsaka siya nagsimula na mag-apply ng mga sinabi niya. Sumunod nalang ako ayaw ko ipahalata na nakarinig ako ng kaunti sa pinaguusapan nilang dalawa ni Loti, baka nga lumayo na siya ng tuluyan.

Nakarating na kami sa restaurant kung saan ako nagpa-reserved, nagpalit din ako ng kulay ng polo na sinuot ang mag-ina ko kasi ay parehas na nakamaxi-dress na white kaya naman nag-white na rin ako.

"Good evening, Ma'am and Sir."

"Good evening, reservation for Mr. Monteralba."

"Okay sir," hinanap ng babae ang pangalan ko.

"Ah yes sir. This way sir ang VIP Table, may staff pong mag-aassist sa inyo papunta sa table ninyo. Enjoy your meal, Ma'am and Sir."

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now