Chapter 22

98 4 0
                                    

Ariyu

(Flashback)
"I can't believe this hindi ko akalain na gano'n kasama sila Mr. and Mrs. Monteralba, paano nila nagawa 'yon? Mabuti nalang at mabilis kumilos ang team at hindi tayo nalugi." ani Dan pagkatapos ay umupo sa bench na katapat ng table ko.

He's right, my parents are bad. They managed to get all of my shareholders in my company. Pinagkalat nila na isa akong sinungaling at ninakawan ko sila ng pera, when in fact all of these are mine. It's the fruit of my blood, sweat, and tears. Hindi ko naman itinatanggi na ang naitulong nila sa akin ay pinag-aral nila ako sa magandang iskwelahan and I'm very grateful for that. I also borrowed a money from them when I was starting this company of mine, my wife knew it, pero binayaran ko na 'yon triple pa nga sa kung magkano ang pinahiram nila sa akin.

Hindi ko akalain na iisipin nila na kalaban nila ako, hindi kasi ako pumayag na i-take over nila yung company nila sa akin. Lagi kong sinasabi na tatanggapin ko ang kompaniya nila Mom and Dad, pero kailangan ay may napatunayan na ako sa kanila. Pero mali, gusto nila na maikasal kami ni Megan dahil mas malaki ang maitutulong ng family ni Megan sa innovation ng company nila Dad, doon palang daw kapag nagawa ko na ay may napatunayan na ako sa kanila.

Ayaw ko dahil I'm already married na at tatay na ako ng napaka-cute na bata. Hindi ko sila ipagpapalit para roon. Doon sila nagalit sa akin dahil na triggered na sila sa katigasan daw ng ulo ko. I managed to get back all of my shareholders, kahit na alam ko na mapapagod lamang ako sa back to zero na pagpapaliwanag sa kanila kung bakit kailangan nila akong mapagkatiwalaan. I'm so happy because hindi lahat ay naniwala sa pinagsasabi ng parents ko siguro sa 10 shareholders ko, 3 lamang ang naniwala sa kanila. Ngayon palang ay humihingi na ako ng patawad sa kanila kung napahiya ko man sila.

"Nagkita na ba kayo ng parents mo? Kailangan nila mag-sorry sa'yo, brad." ani Dan.

"Hindi pa. Wala rin akong balak tsaka na. Kailangan kong pag-focus-an hanapin ang asawa ko."

"Oh.... bago ko makalimutan may findings na ako kung nasaan siya. Nahanap ko yung kaibigan niya na Loti ang pangalan siya ang tumulong sa asawa mo para makaalis." aniya.

"Yeah... Kilala ko si Loti childhood friend niya 'yan na nagmigrate sa ibang bansa dahil nakapangasawa ng foreigner."

"Bro, how come you didn't know na ilang months na palang inaasikaso ng asawa mo yung mga papeles niya paalis ng bansa. Nag-iwan pa siya ng mga pamana para sa anak niyo. Ano bang nangyayari?" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Dan.

"The what? Hindi ko alam 'yan." sagot ko.

"See??? I trace everything, paiba-iba rin ang araw na inaasikaso ng asawa mo ang lahat ng papeles niya para hindi mo malaman."

Magagalit ba ako sa kaniya? Ganiyan niya ba ako ka-ayaw makasama?

"Wala na akong pakialam diyan, ibigay mo sa akin ang contact ni Loti. Now na." kinuha niya ang phone niya at nagtipa roon.

"Sending."  maya-maya pa ay tumunog ang phone ko.

"Sent." ani Dan tsaka ko naman kinuha ang phone ko at tinignan ang sinend ni Dan.

"That's her number, bro. Go contact her."

"Thank you." ani ko. Lumabas muna si Dan para bigyan ako ng privacy.

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now