Chapter 13

188 4 2
                                    

Hillary

Kinakabahan talaga ako makikita ko na naman ang mga magulang ni Riyu. Naghahanda na kaming lahat sa pagpunta sa birthday party ng Daddy niya. And I don't know kung anong gagawin ko para kumalma naman ang pakiramdam ko. Ever since kahit nung magkaibigan palang kami ni Riyu, they don't like me na lalo na ngayon na mag-asawa na kami. Sigurado ako na kinamumuhian nila ako.

"I don't want you for my son! You're a whore!" ani Tito Raul.

"Dad, don't talk to her like that! She's fragile now because she's pregnant!" sagot naman ni Riyu na nakahawak sa kamay ko. Nararamdaman ko na gusto niya na akong ilapit sa kaniya at yakapin.

"I don't care if she's pregnant or not! Basta I don't want you to marry her! Have some dignity, son! Malalaman ng lahat na nakabuntis ka ng ibang babae habang may girlfriend ka!"

"Wala na kami ni Megan." napatingin ako sa kaniya.

"What?! Potangina naman talaga, Ariyu James!" singhal ng daddy niya napayuko ako sa takot.

"What do you mean, Anak? How about the merging? Akala ko ba agree na kayong dalawa. Dahil bukod sa nagmamahalan kayo magkakasama pa ang mga companies natin?" ani Tita Janice.

"My pamilya na ako Mom, if you want I'll handle the company by myself palalaguin ko siya ng mag-isa."

"No! Siguro kung hindi mo kasama yung malandi na 'yan papayag pa ako!" ani Tita Janice. I want to cry now.

"Stop badmouthing the mother of my child. Aalis nalang kami, kung hindi niyo kaya na ibigay ang blessings niyo sa amin then this is the sign para gawin yon." tumayo na kaming dalawa ni Riyu at umalis sa bahay nila.

"Magpapakasal parin tayo, Huwag mo na silang isipin, Lali." aniya nasa kotse na kami ngayon pabalik sa condo unit niya.

"Are you ready, my love?" napatingin ako sa salamin, si Riyu naman ay yumakap mula sa likod ko.

"You want an honest answer?" ani ko.

"Of course. If you don't want to do this, then hindi tayo tutuloy." he rest his chin on my shoulder.

"I'm nervous, pero hindi ka p'wede hindi na tumuloy. Ayos lang ako at si Ariya na rito nalang kami." agap kong sagot dahil parang desidido na siya na kung hindi ako sasama, hindi siya tutuloy which is hindi p'wede mas lalong magagalit parents niya sa akin.

"No, pupunta lang ako kung kasama kayo." I sighed defeated.

"Okay, nakabihis naman na tayo, let's go na. Nasa car na ba yung regalo natin sa Dad mo?" tanong ko.

"Of course, love." he kissed me on my cheekbone.

Buong biyahe papunta sa venue hindi ako mapakali kasi baka ano na naman ang sabihin ni Tita sa akin. Yes, tita at tito parin ang tawag ko sa kanila dahil ayaw nila na tawagin ko silang gano'n.

Hinawakan ni Riyu ang bewang ko sa kanang kamay niya naman ang anak namin. Kung ang anak ko ay tanggap nila ako naman ay hindi.

"Hello, my beautiful Apo." lumapit si Tita Janice at hinalikan sa pisngi si Ariya.

"Hello po, Lola!"

"Manang-mana ka talaga sa Daddy mo, lahat nakuha mo sa kaniya." may kung anong kumirot sa puso ko nasaktan lang naman ako. Ang totoo niyan ay akong-ako si Ariya, ang nakuha lang niya kay Riyu ay tangos ng ilong at labi nito.

"Mom, huwag mong sisimulan." ani ng asawa ko.

"Let's go na Ariya, pagod na si Mommy need na natin umupo."

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now