Chapter 16

173 3 5
                                    

Ariyu

"Okay bye, love you." aniya.

"I love you, wifey." binaba niya na agad ang tawag. Parang teenager ako na nakangiti pagkatapos ng tawag, napaka-cute ng asawa ko.

"Mukhang masaya ang buhay may asawa mo ngayon." ani Dan kaya napatingin ako sa pintuan ng opisina ko.

"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ko.

"Hmm... Mga 5 minutes na naabutan ko lang naman kayo na nag-lalandian."

"Stupid." natatawa kong sagot.

"I was about to tell you na bababa na ang team dahil dumating na yung inorder mo na lunch natin, kaso hindi ko muna kayo inistorbo." aniya.

"Thanks, Dan. Ngayon nalang ulit kami nakakabawi after four years, nakikita ko na rin ang dating Lali na una kong nakilala. Pero parang mas wild siya ngayon. I don't know, lately kasi palaging nakasalubong kilay niya. Hindi ko siya maintindihan pero ang cute kasi kaya inaasar ko nalang." ani ko habang natatawa.

"Basta pag-ibig nakakabaliw talaga." aniya.

"Kapag ikaw nainlove tatawanan lang kita, gago." ani ko.

"Bumaba na nga tayo, gutom na kami."

"Sorry naman ha, ang tagal ng boss niyo."

After namin kumain, bumalik na agad ako sa office dahil marami pa akong kailangan tapusin sa trabaho. Nang tumunog ang Ipad ko, kapag ito ang nag-ring ibig sabihin si Ariya ang tumatawag. She wants to see my whole face kasi kapag nagfa-facetime kami. Agad-agad ko iyong sinagot at bumungad sa akin ang napakaganda kong anak. She looks like her Mom, and me. Great combination perfect genes.

"Hi, Daddy. How's your work?"

"I'm fine, Princess. Bakit ka tumawag?"

"Nothing. I just missed you. Wait, Dad. Let me think first alam ko po I have a reason why I called you e."

"Okay, Princess, take your time. Hindi ka naman sagabal sa work ng daddy." I smiled habang pinapanood ko siya sa screen na nag-iisip talaga. I checked the time, it's past 4pm na pala. Nakatulog na ito nang hapon.

"Okay, daddy I remembered it na."

"Okay, Princess what is it?"

"Si Mommy." bigla akong naalarma.

"What happened to Mom?"

"Nothing Dad. You're so oa naman." napahawak ako sa noo ko. Fuck, akala ko kung ano na.

"Where's your Mommy?"

"I'm in my room now, because Mommy's cried earlier, Daddy."

"Why is she cried? You two fought?"

"No, Daddy. Let me finish first kaya." she just rolled her eyes, ayan very Lali.

"Okay, go on."

"She wants donuts! I checked the refrigerator but we don't have any donuts here. I can't do anything. I want to buy her, but she doesn't want me to order or anything." nakita ko ang paglungkot ng mukha niya.

"Okay, later tell Mommy. Si Daddy ang bibili ng donuts. Thank you for telling me that, Princess. You know your Mom so much."

"I love you both, Daddy, thank you! You're the best!"

"I love you, Princess."

"I love you more, Daddy!" ibinaba niya na ang tawag. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Dan.

"Dan, order ka nga ng 5 boxes of donuts. Dadalhin ko 'yan pauwi, thanks bro." binaba ko na agad ang tawag.

"Hay naku, Lali. P'wede mo naman sabihin sa akin." napatingin ako sa family picture naming tatlo.

"Kailan kaya tayo magiging apat?"

Pagkauwi ko ng bahay, walang Lali na sumalubong sa akin sa pintuan, kundi amoy ng steak mula sa kusina. Ah she's cooking our dinner.

"Daddy!"

"Mommy! Daddy is here! May donut po siya for you!" napangiti ako. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Lali na nagbabaliktad ng steak at si Ariya naman ay nag-aayos ng lamesa.

"Make it 3 the plates, anak, Daddy's here." utos ni Lali.

"Opo, Mommy." bumaba si Ariya sa upuan at kumuha ng plato. Ipinatong ko ang dala kong mga donuts sa table. Nanlaki ang mga mata ni Lali na tumingin sa akin.

"How did you know na naghahanap ako ng donut?"

"Our child." lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa bewang at hinalikan ko ang noo at labi niya.

"I'm craving that." she cried again. Ano bang nangyayari?

"Why? hindi mo ba gusto ang brand na binili ko?" nag-aalala kong tanong.

"No, It's just that I'm happy. That's all." pinunasan niya ang mga luha niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Tapusin ko lang magluto, daddy."

"Sure, Mommy." umupo muna ako at pinagmasdan ang mag-ina ko. May something talaga e, may tinatago kaya si Lali sa akin?

After namin kumain, sunod naman na kinain nilang dalawa ay yung mga dala ko na donut. Pinagmamasdan ko lang sila habang sarap na sarap sila lalo na ang asawa ko. Hindi naman malakas kumain si Lali, pero ngayon parang may kakaiba sa kaniya.

Tulog na si Ariya, at nasa kwarto na rin kaming dalawa ni Lali. Pero ayaw niya pa matulog, nagbukas siya ng tv at nanood kami ng movie, dinala niya rin sa kwarto yung mga natirang donut na dala ko at 'yon ang kinakain niya habang nanonood kami ng movie na siya mismo ang namili.

"Wife, totoo ba na okay ka lang?" tanong ko sa kaniya, katabi ko siya at parehas kaming nakasandal sa headboard ng kama namin. Siya naman ang ulo niya ay nakatanday sa aking balikat.

"Yes, I'm fine." aniya habang puno ang bibig.

"Gano'n ba? Pero hindi ka pa ba pagod?" hinalikan ko ang noo niya.

"Pagod na, gusto ko lang makasama ka habang nanonood. Ayaw mo ba ako kasama?"

"Baby, hindi." agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.

"Kahit na ano pang trip mo sasabayan kita, baby."

Hindi na ako nagsalita pa, at hinayaan ko nalang hanggang sa makatulog na siya at hindi na tinapos pa ang pinapanood namin. Kumuha ako ng wipes sa side table ko at pinunas ko sa bibig niya dahil puro mumo ito mula sa donut. Inayos ko ang pagkakahiga niya at, inilagay ko sa mini fridge namin sa kwarto yung mga natirang donut baka kasi hanapin niya bukas. Pinatay ko na rin ang lamp shade at tumabi sa kaniya sa pagtulog.

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now