Chapter 5

203 4 1
                                    

Hillary

"Loti, help me! Nandito ako ngayon sa rest room hindi ako makalabas. Yung mga fans ni Kuya Riyu at Megan sinugod ako," ani ko tinawagan ko si Loti dahil sinisira na ang pintuan at dahil buntis ako wala akong magawa kundi isangga ang sarili ko para hindi nila ako saktan.

"Goodness! Kaya pala hinahanap kita kung saan kita iniwan bumili lang ako ng craving mo na mangga, sandali tell me the exact rest room, hihingi ako ng tulong kay Mr. Janitor na buksan ang likod niyan,"

"Nasa PWD restroom ako, Psychology Department."

"Okay, wait for me, Lali."

"Thank you, Loti." simula nung dinisowned ako ng parents ko, pinabayaan na talaga nila ako nasusuka sila sa thought na anak nila ako. Anak kasi ng kaibigan ni Dad si ate Megan, at galit na galit ang mga ito. Sinabi ko rin kasi kay kuya Riyu na tatapusin ko lang ang semester na ito at magpopokus na ako sa baby namin. Nagsasama na kami ni Kuya Riyu, sa condo niya kami nagsstay dalawa. Alam kong hindi okay sa family ni Kuya Riyu na magkasama kami pero wala silang magawa dahil si Kuya Riyu ang may gusto na doon ako mag-stay dahil wala akong mapuntahan.

"Loti!" finally nakalabas na ako sa restroom mahigit 30 minutes din akong naka-locked sa loob no'n.

"Lali!" she hugged me.

"Dapat pala sa kotse nalang kita pinag-antay." naiiyak na sabi nito.

"Okay lang ako, tara na. Uwi na tayo." Inakay niya ako hanggang sa makarating sa kotse niya at nung nasa loob na kami nakita kami ng mga fans ni Kuya Riyu at Ate Megan sinubukan kaming harangan ng mga ito pero sa gigil ni Loti ilang beses siyang nagpabusina kaya nawindang ang mga guards at pinaalis yung mga fans nila.

"Nasaan na ba kasi si Kuya Riyu, dapat kausapin niya ang mga 'yan." and speaking of Riyu nadaanan namin siya at may kasama siya si ate Megan nasa coffee shop sila malapit sa School kaya wala siyang alam sa nangyayari dahil magkasama sila.

Nakapagluto na rin ako ng dinner inaantay ko nalang ang mag-ama ko. Nilutuan ko si Riyu ng paborito niyang adobong baboy na walang sabaw, napaparami ang kain niya kapag gano'n. Nanonood lamang ako sa television ng marinig ko na ang kotse niya nandito na sila. Agad-agad akong lumapit sa pinto at pinagbuksan sila.

"Hello, Mommy!" Ariya hugged me.

"Hi, baby. How's school?" tanong ko rito sabay halik sa noo nito.

"It's fine, Mom." kinuha ko na ang bag nito dahil ang bata na ito kapag hindi mo pinansin ihahagis niya kung saan lang ang bag niya. Inangat ko ang tingin ko sa likod ni Ariya, dala ang suitcase niya hindi na rin siya naka-suit naka-white polo na lamang ito.

"Good evening, Riyu."

"Good evening, wifey." he kissed me on my cheek na kinagulat ko.

"Mommy, I forgot to tell you." napatingin ako kay Ariya na nagtatanggal ng sapatos niya.

"Kumain na po kami ni Daddy. Sorry, Mommy. Hindi ka namin nasabihan agad, biglaan lang po tapos mabilis lang," napabalik ang tingin ko kay Riyu inaantay ang sagot niya.

"Yeah, that's right. Sila Mom ang nag-aya. Sinabi ko na susunduin muna kita rito bago mag-early dinner pero they said na mabilis lang naman daw. We stay there for 30 minutes only," parang nahihirapan na sagot ni Riyu. Of course, Mom niya 'yon she doesn't like me for his son.

"I understand, Riyu. It's okay." parang may gumuhit na kung ano sa puso ko at gusto ko umiyak.

"Nagluto ka ba? Kakain nalang ulit ako," agap na tanong ni Riyu napansin ata ang expression ko.

"Oo, pero itatabi ko nalang. P'wede mo naman kainin 'yon bukas pagkapasok mo. Sige na pasok ka na para ma-locked ko na ang door." wala na siyang sinabi pa kundi sumunod nalang at pumasok nagdire-diretso ito sa kwarto namin. Akala ko pa naman may progress na ang relasyon namin wala pa rin pala.

Pagkatapos kong kumain mag-isa, naisipan ko na magbukas ng facebook, matagal-tagal din akong umalis sa paggamit ng social media. Wala sa aming dalawa ni Riyu ang ma-socmed, minsan nagpopost siya ng family pictures namin pero madalas si Ariya lang.

Natutuwa lamang ako sa una ng pagsscroll ng may mahagip ang mga mata ko. It was a link at ang cover ay family ni Riyu at kasama si Megan? Naka-blurred ang mukha ng anak namin.

Alam niya ba ito? dinner ba ito kanina.

Engr. Ariyu James Monteralba of House of Engineering, and Arch. Megan Rizel Torralba magkasama sa dinner with his family? What's the meaning of this? We thought kasal na si Engr. Ariyu so bakit magkasama ang mag-ex lovers sa isang family dinner? Is this a comeback? Hiwalay na ba sila ng asawa niya? What do you think guys, just comment below ang opinion ninyo.

Halos masira ko ang phone ko sa inis pero wala akong magawa kundi umiyak lang. Ano pa nga bang magagawa ko, greatest love niya 'yon.

Hindi agad ako umakyat para matulog sa guest room din ako naligo para hindi niya mahalata na galing ako sa iyak.

Saktong 9pm na ako pumasok sa kwarto namin naka-night gown na rin ako at hindi na nagatubili pa na mag-skincare. The more na kikilos ako, the more na makikita niya ang mga mata ko. Akala ko ay tulog na siya pero mali ako dahil nakasandal lamang ito sa headboard ng kama at mukhang inaantay ako. Siguro nakita niya na yung balita, dahil binibigyan niya ako ng mga mata na hindi ko alam kung pain ba ang nakikita ko o naawa siya sa akin, o di kaya naman natutuwa siya dahil finally magkakabalikan na sila ni Ate Megan?

Agad-agad akong tumabi sa kaniya tumalikod ako sa pwesto niya at inangat ang kumot hanggang sa leeg ko.

"Late ka na umakyat." aniya.

"Sorry, naglinis pa kasi ako ng kusina," sniffs. panira talaga naman oh, kinausap pa kasi ako.

"I bet you saw the news?" halos manigas ako sa pwesto ko pero hindi ako humarap sa kaniya, para saan pa he doesn't love me naman.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong ginawa namin sa dinner kanina?" I just shrugged.

"Riyu, matulog na tayo super late na dapat hindi mo na ako inantay pa."

"Nasanay na ako matulog na kasama ka," aniya na mas nagpaluha sa akin. Ano ba kasing meron, Riyu?

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now