Chapter 26

35 2 0
                                    

Ariyu

Listening to my wife endless laughed, makes my heart happy. She deserves this from all these years na pananahimik at puro sakit.

"Love?" tawag niya sa akin na andito ako sa kusina at nagluluto ng buttered chicken. She requested it, at gusto niya pa na ako ang magluto ayaw niya ang personal chef ng family. Kaya inagahan ko talaga ang out sa trabaho para malutuan ko siya.

Mahirap na bawal pinaghihintay o ginugutom ang mga buntis.

"What is it, love?" lumabas agad ako at pinuntahan siya sa may sala kung nasaan siya at ang anak namin, magkasama sila at naglalaro ng uno.

"I want some palitaw, possible ba na meron pa sa ganitong oras, love?" napatingin ako sa wall clock.

7pm.

"Siguro, love. I'll try my best. Magpapa-grab nalang ako. May gusto ka pa ba?"

"How about strawberry milk, and calamares yung may maraming-marami na sobrang asim na suka."

"Noted, Ma'am." nakaharap na ako sa phone ko at nagtitipa.

"How about you, Ariya?"

"Daddy, I want cheesy pizza damihan mo Daddy, so that we can share it to Lolo, Lola, Tito Lorenzo, and helpers po."

"Of course, Anak, will do po."

Bumalik na ako sa kusina pagkatapos sila bigyan ng tig-iisang halik sa noo. Pinagpatuloy ko na ang pagluluto.

Tamang-tama luto na ang niluluto ko na Buttered Chicken nang dumating ang orders ko.

"Thank you, Sir." ani ko.

Inayos ko na ang hapagkainan at tinawag sila Tito, Tita, at Lorenzo. Sabay-sabay kaming kumain nang luto ko at mga cravings ni Hillary at Ariyana.

"Wow, that's a lot, Ariyu anak. What's this? another craving, sweetheart?" tanong ni Tita Hira kay Lali na kinatango ng asawa ko na kinangiti ko naman.

"Hindi ko po mahindian, Tita. Kahit maubos po ang pera ko makita ko lang po siya na masagana kumain." napatingin naman ang asawa ko sa akin at ngumiti.

"Mommy and Daddy, na ang itawag mo sa amin, Ariyu. Please, Anak?" ani Mommy Hira.

"Yes, Mom." nahihiya kong tugon. Sobrang saya talaga ng puso kung dati hindi nila ako matignan o makausap ng diretso ngayon naman ay kasabay ko na sila sa hapag-kainan kasama ang mag-ina ko at ngayon naman ay madadagdagan pa kami, wala sa sarili akong napangiti.

"Ariyu, kailan tayo mamimili ng baby things, hm?" na patingin ako kay Lali gano'n din siya sa akin, dahil sa naging tanong ni Mommy Hira.

"Alam na po namin ang gender ni baby, Mom. Siguro po bukas ay mamimili na kami." ani ko.

"Really???! okay hulaan ko, kapag nahulaan ko ang gender ng second baby niyo, use my card lahat ng gagastusin sa gamit ni baby ay akin." excited na tugon ni Mommy Hira.

"Ako rin, use my card." ani ni Daddy Lilo.

"Kahit huwag na po, Mom and Dad. Kahit ako na po, masaya na po ako malaman na tanggap niyo po kami." ani ko.

"That's true, Mom and Dad, thank you po for forgiving us." ani Lali.

"Oh no, sweetheart. Thank you for forgiving us, also." ani Mommy.

"Don't worry, ako naman nagpresenta na hanggang sa mag-isang taon si baby ay dito muna kayo sa bahay, kaya please let me... Ako nalang gagastos please, mga anak." ani Mom.

Tumango nalang kami pareho ni Lali kasi mukhang excited na excited si Mommy.

"So let me guess?" ngumiti kaming dalawa ni Lali sa kaniya dahil sa tuwa ni Mommy.

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now