Chapter 15

178 3 5
                                    

Hillary

Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ng katawan ko, hindi man nakikita ni Riyu pero madalas ako sumuka sa umaga. Kapag naman nagluluto ako hindi ako naglalagay ng bawang dahil ayaw ko sa amoy nito. Gusto ko rin laging nakasampay ang mga nasuot na damit ni Riyu sa cr, dahil inaamoy ko 'yon. Kapag nasa trabaho di Riyu at nasa school naman si Ariya, lumalabas ako at bumibili ng mangga sa kanto na may matamis na bagoong, lahat ng kaya kong gawin na cravings ko ay ako mismo ang gumagawa o nagluluto. Hindi rin ako natutulog kapag wala siya, nasanay na kasi ako na kayakap siya matulog. Mas nasasatisfied ako kapag maraming nakakain si Riyu sa mga luto ko. Ayaw kong magoverthink pero hindi na 'to bago sa akin, ganitong-ganito ang mga sintomas kapag buntis ang isang babae. At isa pa two weeks delayed na rin ako.

"Alis na kami, Mommy." ani Riyu tsaka lumapit sa akin at hinalikan niya ako sa labi.

"Bye, Mommy." hinalikan din ako ni Ariya sa pisngi.

"Ingat kayong dalawa." ani ko.

Nang makaalis na sila agad-agad akong nagtungo sa cr at sumuka, kanina pa talaga ako naduduwal kapag nasa baba ang mag-ama sa kwarto namin ako sumusuka. Kapag wala naman sila ay dito ako sa kusina sa sala dumuduwal.

Pagkatapos kong magmumog at maghilamos ay tumingin ako sa wall clock.

"Siguro naman gising na si Loti di ba?" agad-agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan siya. Thank God, sinagot niya.

"Loti."

"Lali." sabay naming tawag sa pangalan sa isa't isa.

"Bakit napatawag ka, miss mo na agad inaanak mo, Ano? Kakasend ko lang ng picture niya sa'yo kanina." tinignan niya ako ng maigi mula sa screen.

"Namumutla ka, Lali. Ayos ka lang ba?"

"Hindi, Loti." mahina kong sagot.

"Bakit hindi? Sinasaktan ka ba ni Riyu?!" nagtaas na siya ng boses.

"Hoy, hindi. Ang exaggerated mo naman." natatawa kong sabi.

"Oh bakit ka nga napatawag?"

"I think I'm pregnant again." nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"What the fuck, Lali? Seryoso ba? Who are you fucking with?" gulat niyang tanong.

"Bakit naman ganiyan ang tanong mo?"

"Aba syempre wala ka naman kinukwento sa akin kapag naguusap tayo, tungkol sa sex life mo. Basta ang alam ko last na nadiligan ka four years ago pa." I glared at her.

"Hindi na 'no."

"Pero sino nga? Husband mo?"

"Malamang."

"Oh my fucking God! Are you fucking your husband?! So totoo nga ang hinala ko, hindi lang siya nagbago at naging mabait at maasikaso sa'yo, kundi napapasok ka rin niya!" pumalakpak pa ang gaga.

"Loti, bunganga mo yung anak mo tulog."

"As if naman maiintindihan ng anak ko."

"Oh maiba nga tayo, nagpacheck ka na ba? Nag-take ng pt?" pagbabago niya ng topic.

"Hindi pa, and I'm scared."

"Why? kayong dalawa gumawa niyan. May Lali 2.0 na ba or Ariyu 2.0 na?"

"Loti. Advice me please."

"Aba, Ano bang maadvice ko sa'yo e, nung nalaman ko na buntis ako asawa ko pa nakaalam agad. Ang gawin mo mag-pt ka na tsaka ka magpacheck up, para sure."

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now