Chapter 18

108 4 4
                                    

Ariyu

Malaki talaga ang pinagbago ng asawa ko lately, kung noon mahina siya kumain, ngayon naman ay napakatakaw. Ang dami niyang gustong kainin, na kahit ang anak namin ay nagtataka na dahil noon kung ano lang ang meron sa refrigerator ay iyon lang ang kakainin namin, pero ngayon napilitan ako na mag-grocery ng mga gusto niya dahil umiiyak siya kapag hindi nasusunod ang gusto niyang kainin. Sinabihan niya rin ako na huwag bibili ng gatas niya, siya na raw which is nakakapanibago.

"Dad, bakit hindi natin kasama ang Mommy mag-grocery po?"

"I don't know too, anak pero di ba ang usapan natin mas okay na nakikita natin si Mommy na vocal sa mga wants and needs niya, hindi tulad noon na sobrang tahimik niya?"

"Opo, daddy."

"Okay, labas mo na yung mga bibilhin natin na utos ni Mommy mo."

"Okay po." nilabas niya ang Ipad niya at dumiretso sa app na notes.

"Here po, Daddy." I scanned the notes and it lots of random foods, na kung dati hindi naman kasama sa mga lists of groceries namin. Pero wala na akong magawa kaysa naman magalit siya.

"Daddy, ang dami po." ani ng anak namin dahil nakapila na kami ngayon sa counter naka-tatlong cart na kami pero hindi pa ito lahat 'yon!

"Hindi lang ito, anak ang pinapabili ng Mommy mo, marami pa sa ibang store naman tayo pupunta kaya help mo si daddy magsalansan sa kotse, okay ba, anak?"

"Yes po, Daddy."

Pagkatapos namin maisalansan ng maayos lahat ng pinamili namin sa grocery store, si Ariya naman ang inasikaso ko at isinakay sa kotse. Sunod namin pinuntahan ang Food Town, ito ang tinutukoy ni Lali na kailangan daanan namin at bilhan ko raw siya ng makakain niya rito. Lahat ng nasa listahan ay binili ko ayon din kasi kay Lali ay dinner na namin itong tatlo. Mabuti na lamang at hindi gutom ang anak namin, at natiis niya na sa bahay nalang kumain.

"Hello, baby. Hello, daddy!" sinalubong kami sa pintuan ni Lali.

"Mommy!" agad na tumakbo si Ariya, at nakalimutan ako na tulungan sa mga pinamili namin wala na akong nagawa kundi umiling at ngumiti.

Pinantayan ni Lali ang anak namin, at niyakap tsaka niya ito pinugpog ng halik.

"Hmm... Napakabango parin ng baby ko, kahit na limang oras na nasa labas." ani Lali. Of course, alaga mo, baby.

"Daddy, took care of me, Mommy." ani Ariya.

"Very good, Daddy." Tangina talaga, naninigas yung nasa baba ko tuwing tinatawag akong Daddy ng asawa ko.

"Magiging mas very good ka pa sa akin kapag nasunod lahat ng pinapabili ko." lumapit ito sa akin, at kumapit sa leeg ko sabay halik sa akin, at ngiti.

Tangina, ang sweet at sexy ni Lali, kapag ganito siya.

"Of course, Mommy, sinunod ko lahat para ako naman ang susundin mo mamaya, Daddy pala a." hinalikan ko agad siya, na kinatawa naming dalawa.

"Mommy, Daddy! I'm hungry!" ani Ariya.

"Let's go na, Mommy. Nagugutom na rin ako sa'yo." ani ko.

"Riyu." hinampas niya ako sa balikat na kinatawa ko lang.

Tapos na kami, kumain nakaligo na rin kami nag-aantay nalang ng bed time napagpasyahan namin na mag-movie marathon muna. Lahat ng ito ay requested ni Lali na sinang-ayonan din ng anak namin.

"Gayahin niyo yung sumasayaw sa movie kayong dalawa, please Daddy." tinutulak ako ni Lali mula sa pagkakatabi sa kaniya.

"Mommy, p'wede ba na manood nalang kami ng anak mo?"

The Love from KarmaWhere stories live. Discover now