HWMN : 02

7.4K 111 2
                                    

CHAPTER 02

LEVANA ASIA

 
                 ANO PA NGA bang aasahan ko? Of course, hindi pumayag si Klaus! He’s not a fan of tattoos daw. Edi okay! Hindi ko siya pipilitin.
 

“Quit pouting. Hindi mo kinaganda,” he said, rolling his eyes. Grabe, ang attitude! So, sinong mas maganda samin? Imposibleng siya! “I’m going to fetch you tomorrow.”
 

“Wala akong pasok bukas.”
 

“So, saan kita susunduin?”

 
“Talaga? Susunduin mo ‘ko? Baka anong petsa ka na naman dumating n’yan,” I’m just telling the truth. Dalawang oras akong naghintay sakanya kanina.
 

“Late ko nang nabasa ang message mo, okay? Nasa meeting ako kanina,” palusot niya.
 

“Okay,” mukha namang hindi siya nagsisinungaling sakin. Well, anong rason naman at kailangan niya pang magsinungaling sakin, hmm? “Teka, ano ba talaga ‘to?”

 
Kinuha ko ang laman ng paper bag na binigay niya sakin. Tumaas ang kilay ko nang makita ang isang palette ng makeup.
 

“Makeup? Sakin ba ‘to? Hindi naman ako marunong gumamit nito.” 
 

Basic lang ang alam ko sa makeup. Yung mga ganitong eyeshadow ay hindi ko na alam kung paano gamitin.
 

“I want you to check the shades. That’s my employee's project for this month. I need your opinion,” he said.
 

Ah, oo nga pala. Sa makeup nga pala ang business niya. And he wants me to check on this? Para niya nang sinabi na may tiwala siya sa taste ko, hehe.
 

I opened the palette. Dark colors ang nandito and okay naman ang mga kulay at arrangement para sakin. May mga glitters din ang iba and ang ganda lang talaga nito.
 

“Maganda…” I commented.

 
He cleared his throat. “Let me see your face,”
 

Hindi pa ako nakakasagot nang hawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sakanya. My lips parted in shock.
 

Tinitigan niya ang mukha ko habang hindi ko naman siya matignan sa mga mata. Pakiramdam ko, pulang pula na ang pisngi ko dahil sakanya.

 
“Your eyelids can handle a lot of eyeshadow. Your lashes are naturally long; they just need a little curler and… mascara, of course. Your nose is narrowed, and you won’t need a nose line to make it look pointed. Highlight na lang. Blush? Hmm. A pink one will suit you. And your lips…” he paused and stared at my lips.
 

Namungay ang mga mata ko. Alam ko namang may kalandian ako sa katawan. Kaya nga gusto kong halikan si Klaus ngayon. Well, anong masama? Boyfriend ko naman siya!
 

“A cherry-shaded lipstick and gloss would be perfect. It would make your lips more kissable,”
 

My eyes fell on his lips. Napalunok ako.
 

“Klaus…”
 

“What?”
 

“B-boyfriend naman kita…”
 

Kumunot ang noo niya. “And?”
 

“Halikan mo ‘ko,” utos ko sakanya.
 

“What? Are you nuts?” binitawan niya ang mukha ko at lumayo sakin.
 

He wants Me, not?Where stories live. Discover now