HWMN : 27

8.6K 159 23
                                    

CHAPTER 27

LEVANA ASIA

                  "BAD MOOD?" ngisi ni Kim nang magkita kami sa university. Nag-taas lang ako ng kilay sakanya. Hinayaan ko siyang sabayan ako sa paglalakad. Malaki ang ngisi nya sakin.

None of them knows what happened to me and Attorney. I don't want them to know! Well, not now.

Wala akong problema kay Attorney. Alam ko namang hindi rin siya aware na ex-girlfriend ako ng pinsan niya. Well, parehas lang naman kami. Hindi ko alam na pinsan pala siya ni Klaus.

I took a deep breath as I glanced at the parking lot of the university. Nasira agad ang mood ko nang may makita ro'n.

Sinong hindi maba-bad mood, e, nandito na naman ang kotse ng Klaus na 'yon?

Yung nangyari sa bar, it happened three days ago. May pasok na ulit ako at hindi pa pumapalya si Klaus na nakatambay dito sa university ko. What is happening with this man? Wala ba siyang pasok sa trabaho niya?

Inirapan ko ang sasakyan niya. Hindi siya lumalabas, mabuti naman! But I made sure that he saw me rolling my eyes.

"Yeah... your ex is here," Kim whispered nang makita niya rin ang car ni Klaus.

Hindi lang naman ang presence ni Klaus ang nagpapainis sakin at sumisira ng mood ko! May mga sumisira rin ng mood ko katulad ng thought na nakipag halikan ako sa pinsan ni Klaus! Wala sa balak kong gawin 'yon! I freaking licked his cousin!

"Now you know,"

She chuckled. "Yup! By the way, una na 'ko, ha? May lalakarin pa 'ko, e," bumeso pa ito sakin bago naunang maglakad. Kumaway lang ako sakanya.

I sighed.

That night, nag-taxi ako pauwi sa shop ko! But Klaus was tailing the taxi hanggang sa makauwi ako. Hindi ko na hinintay na lumabas siya ng sasakyan dahil nag-kulong agad ako sa loob ng shop ko.

He knocked, but I didn't bother to open the door for him.

Nakatanggap din ako ng text from Vaughn. He wants to talk to me personally daw pero may mga inaasikaso pa siya.

Hindi ko alam kung haharapin ko pa siya. Ayaw ko nang magkaro'n ng connection sa kahit na kanino sa pamilya ni Klaus kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Vaughn. Until now tuloy hindi ko pa rin nasasagot ang text nito.

I did some research about Vaughn. Gusto kong malaman kung paano niya naging pinsan si Klaus. Hindi ko naintindihan kung paanong hindi ko nalaman na mag pinsan silang dalawa.

I found out that Tito Jackson's father is the brother of Vaughn's grandmother. Ang mother ni Tito Jackson ang Rivera, then she married a Calin; that's why Klaus is not carrying that surname. But obviously, Rivera pa rin ito.

Vaughn Calin Selston. That's the attorney's name. How dumb am I, para hindi muna alamin kung saang pamilya galing itong si Attorney? Ayan tuloy at nakahalikan ko pa ang pinsan ni Klaus!

Masyadong malalim ang iniisip ko kaya halos hindi ko na namalayan si Klaus na palapit na sakin! Huli na para tumakbo ako palayo dahil nasa harap ko na siya.

"What—"

"Let's talk,"

Hinawakan niya ang kamay ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. "What?! No!" angal ko agad.

Hindi siya nagpatinag. Kinaladkad niya ako papunta sa sasakyan niya. Hindi ako tumigil sa pag piglas at kinukurot ko na rin ang kamay niya!

"Klaus, what are you doing?! Bitiwan mo 'ko!"

He wants Me, not?Where stories live. Discover now