HWMN : 31

7.5K 157 15
                                    

CHAPTER 31
 
LEVANA ASIA

 
          "WELCOME HOME, Pa," I hugged my father in a welcoming way. I didn't know how I did it; I just did.
 
Papa laughed and embraced me tighter. Hindi naman ako pumalag. Katulad ng sinabi ko, hindi ako close kay Papa, pero wala naman akong sama ng loob dito. After all, he's a good father to me, and he's providing everything I need.
 
"It's been twenty years, anak. You're a woman now. I can't believe it. Dati ay karga karga lang kita," Papa said with amusement in his eyes.
 
Tipid akong ngumiti rito. I was still a toddler when they left me with Lola. Hindi ko na siya namulatan o kahit si Mama. Dahil nang maghiwalay sila, umalis din agad si Mama.
 
"Mabuti naman at umuwi ka, anak. Mabuti umabot ka sa graduation ni Asia," Lola said as she smiled wider.
 
I licked my lips. Mabuti nga at umabot si Papa. Hindi rin ako halos makapaniwala na umuwi si Papa para sa graduation ko. I mean, noong elementary, junior, and senior high school ay wala siya. Good thing he made it to my graduation from college.
 
Nakausap ko na si Lola. I told her na sumama sakin. Ayaw niya noong una pero nakumbinsi ko siya. Sasama rin siya sakin sa Canada.
 
"Talaga bang sasama ka, Levana?" Papa asked.
 
Up until now, hindi pa rin siya makapaniwala na sasama ako sa Canada. Ako rin naman. Biglaan din kasi. Hindi rin ineexpect ni Papa na sasama ako dahil nga tingin niya, hindi rin malapit ang loob ko sakanya.
 
Well, uunahin ko pa ba 'yon? For sure naman ay may magagawa pa ang oras para maging malapit ako kay Papa. It takes time. Isa pa, may gusto rin akong takasan.
 
Wait... takasan? Bakit ko tatakasan ang isang 'yon? Kahit naman takasan ko siya, alam kong kaya niya 'kong hanapin.
 
"Yes, Pa..."
 
He smiled brighter. Sa ganyang ngiti ay nagiging kamukha niya si Lola. Now I know kung bakit mas magaan ang loob ko sakanya. Kamukha niya ang pinakamamahal ko.
 
"Nasabi mo na ba sa Mama mo?" Papa asked once again.
 
Halos mapanis ang ngiti ko. I know for sure that Papa is well aware that my relationship with Mama isn't crystal clear, too.
 
"Hindi pa po. Hindi rin naman po siya makikialam, pero ipapaalam ko pa rin po sakanya kapag ayos na ang lahat," I answered.
 
He nodded as if he'd been satisfied with my answer. Pakiramdam ko ay wala naman nang pakialam si Papa sa kung ano mang ginagawa ni Mama. It's been twenty long freaking years. Marami na ring naging girlfriend si Papa sa nag daang taon.
 
Lola and I cooked for Papa. He enjoyed the dishes.
 
We're not close, yes. But it feels good that Papa's here. Pakiramdaman ko ay may bahagi sa pagkatao ko na napunan nang makita ko siya sa personal. After all, he's still my father, and he didn't do anything bad to me.
 
"Maraming magandang unibersidad doon, anak. Kahit saan mo gustong pumasok, ayos lang," Papa smiled at me.
 
Ngumiti rin ako pabalik dito. It will be difficult for me to live in another country, but I know that I can do it. I will do everything I can to start my shop there, but I know that it won't be easy. Especially since I am not their citizen yet.
 
Well, I lied to Klaus and said that I'd live in Canada and would never go back here. Kaya ko bang gawin 'yon? Of course, not! I cannot do that. Nandito ang buhay ko. Nandito ang shop ko.
 
"I love your inks, anak. Badass, huh?" he laughed.
 
Hindi ko rin maiwasang matawa sa sinabi ni Papa. Mula noong sinabi ko sakanyang gusto ko mag-tattoo, pumayag siya agad. Ako raw ang bahala at ako raw ang masusunod dahil buhay ko naman ito.
 
Papa and I talked a lot about going to Canada. He looks so pleased and happy.
 
Noong hindi pa siya umuuwi, alam ko na noon na hindi kami makakapag usap nang matagal. Na simpleng batian lang ang mangyayari, pero hindi pala. We can talk casually as if we've known each other personally our whole lives.
 
"Wala ka namang boyfriend, anak? Baka naman magdalawang isip ka dahil sa boyfriend mo kung meron man?"
 
Natigilan ako sa gitna ng pagtawa. I swallowed hard. Sasagot na sana ako nang biglang humagikgik si Lola.
 
"Nako, kaka-break lang ni Asia sa boyfriend niya," chismis ni Lola.
 
Nanulis ang nguso ko. Papa smirked as if he wanted to laugh dahil sa sinabi ni Lola.
 
"I don't know why it sounds good to me. Well, no distractions for you, Levana. Hindi na rin mapipigilan ang gusto mo dahil walang pipigil..."
 
My lips parted. Gusto ko sanang sumagot pero hindi na lang. Kung alam mo lang, Pa... 
 
Tatlong araw bago ang graduation ko. Doon na 'ko umuuwi sa shop ko dahil mas malapit 'yon. Wala na rin namang pasok kay ginugol ko na lang ang oras ko pagtitinta dahil hindi ko alam kung kailan ko ulit magagawa 'to kung nandoon na 'ko sa Canada.
 
Hindi ko alam kung agaran ba ang pagpunta ko ro'n o hindi. Well, alam kong hindi magiging mabilis kaya ngayon pa lang ay pinapaayos na ni Papa ang mga kailangan ko.
 
Nag-stay si Papa sa bahay na binigay niya sakin na kay Lola ko naman pinapagamit. Bumait din bigla ang kapatid niyang si Auria nang dumating ang Papa ko. Well, ano pa nga bang ieexpect ko?
 
I don't know if I should say goodbye to my friends. Alam ko naman kasing babalik ako pero... I know how important saying goodbye is.
 
Kahit ako... hinding hindi ko gustong maiwan nang walang eksplenasyon kaya hindi ko 'yon gagawin sa iba. Kahit gaano kawalang kwentang paalam ang gawin, baka magpaalam... 'yon ang hiling ko.
 
"Paano na itong shop mo?" Drew asked nang kausapin ko sila.
 
I smirked at them. "Itutuloy. Ako lang naman ang aalis, hindi ang shop ko. Isa pa... nand'yan naman kayo. May internet naman, pwede niyo kong sabihan kung anong nangyayari sa shop. I trust you, guys, so much. I'm not going to close this shop just because I'm leaving,"
 
Some of them look emotional. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
 
"Kailan ba ang alis mo?" Alex asked.
 
I shrugged. "I don't know yet. Pero... sasabihan ko naman kayo. You know how much I hate those people who don't say goodbye," mataman akong ngumiti.
 
It was emotional for me, too. Mahal ko ang mga co-artist ko. Hindi lang dahil katrabaho ko sila, kung hindi na rin dahil mga kaibigan ko sila. Gano'n din ka-emosyonal nang magpaalam ako kina Krizzy. They all cried at gano'n din ako na para bang hindi na 'ko uuwi rito ulit!
 
Masyadong naging emosyonal ang araw na 'yon sakin.
 
But then, napalitan 'yon nang dumating ang araw ng graduation ko.
 
I'm the happiest person alive the moment I step on stage! It was a bittersweet feeling. I don't know why... maybe because I wanted some of my people to be here... to watch me claim my certificate.
 
"Valdez, Levana Asia, Bachelor of Science in Psychology. Magna Cum Laude," they announced.
 
Tanga man ako sa pag-ibig, at least, matalino ako sa acads.
 
A bittersweet feeling.
 
"Thank you," I smiled at the dean when he handed me my certificate.
 
I faced the camera man to finally take my picture. I was about to leave the stage when I saw a familiar face. Nasa malayo ito at nakatingin sakin.
 
He was clapping his hands and smiling at me. Kahit malayo, kitang kita ko siya. My eyes softened. Naramdaman ko agad ang pag-init ng sulok ng mga mata ko at pati na rin ng ilong ko.
 
Klaus is here.
 
Bumaba ako ng stage para pumunta kina Papa. They were so happy! They were as happy as me! Pakiramdam ko, lahat ng paghihirap ko sa college, napawi ngayon! I know this isn't the end, but I'm just so happy for myself.
 
The ceremony continued. Hindi na maalis ang ngiti ko habang nakikinig sa mga taong nasa stage.
 
I cleared my throat when I suddenly felt uneasy. Nilingon ko ang katabi ko na nakikinig din sa nagsasalita sa stage.
 
"Pinatay ba ang aircon?" tanong ko rito.
 
"Ha? Hindi naman, Asia. Ang lamig nga, e. Bakit?"
 
I shook my head and licked my lips. "Nahilo lang ako," I smiled a little.
 
I don't know... kumpleto naman ang tulog ko at kumain ako kanina. Ayos naman ang temperatura ng katawan ko. I don't know what's wrong with me.
 
"Congratulations, Levana," nagulat ako nang biglang sumulpot si Jude nang nagsitayuan na ang lahat to say goodbye to their friends.
 
Ngumiti ako rito. "Thank you, Jude. Congratulations din!"
 
He smiled shyly. Akala ko kung anong gagawin niya pero may dinukot siya sa bulsa niya. Paglabas ng kamay niya, nakita kong may hawak siyang keychain na nakalagay ang pangalan ko at may puso pa!
 
"Graduation gift ko sayo. Ikaw lang ang binigyan ko n'yan," he handed me the keychain.
 
Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan dahil girlfriend niya ang terror teacher namin pero heto siya at nasa harapan ko para bigyan ako ng keychain na may heart pa! At ako lang ang meron!
 
I swallowed secretly. "Thank you, Jude. Hindi ka na sana nag-abala."
 
Tipid siyang ngumiti. I feel so awkward dahil sa tingin niya sakin! I don't know what to do with him anymore. Nakakahiya dahil ganyan ang tingin niya sakin! Ako pa talaga ang nahiya, huh?
 
"Asia..."
 
He's looking directly into my eyes. Sa mga tingin niyang 'yan, alam ko na agad kung anong gusto niya dahil ginawa niya na rin ito noon. Actually, marami na sila.
 
Mariin siyang napalunok. "Alam kong hanggang kaklase lang talaga ang tingin mo sakin. Alam ko naman 'yon dahil matagal mo nang klinaro pero, Asia... ngayong graduate na tayo, gustong gusto kong malaman mong ikaw pa rin talaga ang gusto ko. Alam kong break na kayo ng boyfriend mo kaya naisip ko na baka may tyansa na ako sayo."
 
Nalaglag ang panga ko. I expected this already pero nakakagulat pa rin!
 
"Jude... how can you even say that? Girlfriend mo ang professor natin!" Namimilog ang mga mata ko.
 
He took a deep breath. "I can dump her right now, Asia. Naging kami lang naman dahil kailangan ko siya! Dahil pinag-iinitan niya ako at kailangan kong pumasa sa subject niya para maging Magna Cum Laude. Hindi ako kasing talino mo, Asia. Masipag lang ako pero hindi ako kasing talino mo. Ngayong graduate na tayo, kaya ko nang iwan 'yon,"
 
What the fuck?
 
I shook my head. Binalik ko sakanya ang keychain niya.
 
"No, Jude. You entered a relationship with her. Pangatawanan mo siya. Do you really think that I'll accept you dahil sa mga sinabi mo? Umalis ka nga!"
 
Nahihilo na nga ako, pinapainit niya pa ang ulo ko! I can't believe him!
 
Hindi ko alam kung paano ko natapos ang ceremony kahit na hilong hilo ako. I blame myself for feeling this way. Today is supposed to be a perfect day for me, but nasisira lang dahil sa pagkahilo ko!
 
I licked my lips while walking towards my Papa and Lola. I tried so hard not to fall down! Nagiging dalawa na sila sa paningin ko, and I don't like what I'm feeling!
 
Sa malayo ay kita kong may dalang bouquet si Papa para sakin. Gusto kong ma-excite pero paano ko gagawin 'yon gayong halos wala na 'kong makita?!
 
What the hell is happening to me?! Never itong nangyari sakin!
 
I swallowed hard when I noticed Klaus from afar. Hindi ko makita ang reaksyon niya pero kita kong may hawak din siyang bouquet na puro pera ang laman! What the hell?!
 
Mariin akong pumikit. I can feel my whole body shaking. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. When I tried to step my foot again, my knees felt jelly. Ang huli kong namulatan ay nakahiga na 'ko!
 
"Levana!" My Lola shouted.
 
But I was too dizzy to even open my eyes. No matter how I tried, I still lost my consciousness without any idea what really happened to me.
 
...
 
THE WHITE CEILING was the first thing I saw when my eyes opened. My throat is dry, and I can feel the numbness on my legs. I licked my lips as I looked around.
 
I saw my Lola sitting on the sofa. My papa's talking to the doctor...
 
Nasa hospital ako?
 
My brows furrowed as I tried my best to remember what happened to me. Unti unti akong nanlamig nang maalala kong bumagsak ako kanina at nawalan ng malay! That's maybe the reason I'm here!
 
"Lola..." I called my Lola.
 
Her chinky eyes widened at nagmamadaling lumapit sakin. May bakas pa ng luha sa mga mata niya. My heart hurts. Pinag-alala ko pa si Lola. Ano ba kasing nangyari sakin?!
 
 
"Kamusta ka, Apo? Anong nararamdaman mo?" She held my hand.
 
Tipid akong ngumiti sakanya. Medyo ayos lang naman ang pakiramdam ko at hindi na nahihilo kumpara kanina.
 
"Anak, how are you feeling?" Papa brushed my hair.
 
My heart feels so warm now that he's here. Ganito pala ang pakiramdam kapag nand'yan siya. It felt so good and comforting.
 
"A-ano pong nangyari sakin?"
 
Nagtaka ako nang magkatinginan sila ni Lola. Nakatayo pa rin ang doctor. Lumapit naman ito sakin para i-check ako.
 
"Are you still dizzy?" The doctor asked.
 
Umiling ako. "Hindi na po,"
 
Napatingin ako sa uniform nito. I pressed my lips together nang makita ko ang logo ng Rivera's Medical Services sa lab gown nito. So, nasa hospital kami nina Klaus, huh?
 
"Miss Valdez, normal lang ang nararamdaman mo dahil sa kalagayan mo ngayon. Napag-alaman ko rin na first time itong nangyari kagaya ng sabi ng family mo."
 
Kumunot ang noo ko at mas lalong naguluhan.
 
"'Yon ang alam namin, Doc. Dahil nakabukod na saamin si Asia," my Lola said.
 
"Po? Ano po bang nangyayari?" taka kong tanong.
 
Tinignan ko si Papa na nakatitig sakin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya kung masaya ba siya o naiiyak. Hindi ko maintindihan! Si Lola naman ay umiiyak na rin!
 
"Miss Valdez, you lost your consciousness earlier, not because of the hot weather, as your family concluded. Upon checking you earlier, we found out that you are currently seven weeks pregnant."
 

LESSURSTORIES
 
 
 

He wants Me, not?Where stories live. Discover now