HWMN : 32

7.3K 164 18
                                    

CHAPTER 32

LEVANA ASIA

                   "MISS VALDEZ, you lost your consciousness earlier, not because of the hot weather, as your family concluded. Upon checking you earlier, we found out that you are currently seven weeks pregnant."

TANGINA.

ANO?!

"D-doc? B-baka po nagkakamali kayo? Hindi po kasi... h-hindi kasi..."

Hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko dahil pasikip nang pasikip ang dibdib ko sa nalaman ko.

"Anak, kung buntis ka, hindi mo naman 'to kailangan isikreto samin. Matatanggap namin ang bata. Nasa edad ka na at tapos ka na sa pag-aaral," Papa tried to comfort me.

Umiling ako. "Pa, h-hindi ko po alam na buntis ako. H-hindi ko alam."

Humikbi ako. Tuloy tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ako makakilos o ano. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko! Na buntis ako ngayon!

"Asia, sino ang ama? Si Klaus ba?" Tanong ni Lola kaya mas lalo akong nanlamig.

Si Klaus... oo nga pala. Tangina, oo nga pala!

Nilingon ko ang doctor. Hospital ito ng pamilya nila Klaus at lagot ako kapag nalaman niya ito! Hindi ko pa napapag-isipan ang lahat, kaya ayaw ko munang malaman niya dahil uunahan niya lang ang mga desisyon ko!

"Please, Doc, make this matter confidential."

She smiled and nodded. "No worries," she said, then excused herself.

"Sinong Klaus? 'Yon ba ang ex-boyfriend mo?" Papa asked.

Wala sa sarili akong tumango.

Pakiramdam ko ay naramdaman nilang balisa ako na kahit gusto pa nilang magtanong, pinagbigyan muna nila akong mag-isip.

Naupo sila sa sofa habang tulala naman ako sa kama ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala! Na buntis ako ngayon! Kaka-graduate ko lang! Ite-take ko na ang masters ko at pupunta nang Canada pero ito ang nangyari!

Mas lalong bumuhos ang luha ko.

Napag-uusapan namin ni Klaus noon ang tungkol sa mga bata. Parehas naming ayaw na magka-anak. Ako, ayaw ko dahil hindi ako marunong maging nanay. Siya, ayaw niya dahil lang sa ayaw niya.

Ano pang silbi ng mga 'yon, e, may bata na rito sa sinapupunan ko?

Siya lang naman ang posibleng tatay nito dahil hindi ako nakipag-sex sa iba maliban sakanya. At sabi pa ng doctor, seven weeks pregnant na 'ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari, e, maingat kaming dalawa lagi! Laging may condom o kaya nilalabas niya agad!

Unti unti akong nanlamig nang maalala ko ang nangyari samin noong pinuntahan niya 'ko sa bahay ko noong gabi bago kami maghiwalay. May nangyari samin sa kitchen ko! At hindi ako sigurado kung safe ba ang ginawa namin!

Pero putangina, nilabasan na siya lahat lahat pero hindi niya pa rin inaalis!

Pero isang beses lang naman nangyari 'yon... nabuntis agad ako.

Kung sakali ba... matatanggap niya 'to? Baka isipin niya pang hindi sakanya 'to dahil ayaw niya sa mga bata! Lalo na't sinabi ko sakanya na nakikipag-halikan ako sa iba't ibang lalaki! Baka isipin niyang hindi siya ang ama nito!

Napasabunot ang sa sarili kong buhok.

Natanaw kong lumalapit ulit sakin si Papa.

He sighed. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo rito sa Pilipinas habang wala ako, Levana. Pero gusto kong malaman kung sino ang ama ng bata," mariin nitong tanong.

He wants Me, not?Where stories live. Discover now